Nagulat si Perry nang may babaeng nakahiga sa kanyang kama pagpasok sa kanyang silid. "S-Sino ka?" bulalas ni Perry sa babaeng nakahiga sa kanyang kama. Maya-mayaa ay bumalikwas ang babae at nakita ang nakangiting mukha ni Elsa. "Hello, senyorito, mukhang hindi mo na ako nami-miss sa dami ng babaeng pumipila sa 'yo," may himig pagtatampo kay Elsa. Napangisi na lamang si Perry sabay iling. Isa sa gusto niya kay Elsa ay marunong itong magtago ng sekreto sa kabila ng matabil nitong dila. Bukod roon ay hindi masyadong nakikialam lalo na kung may ibang babaeng aali-aligid sa kanya. "Bakit nandito ka? Baka magising ang mga kasama mo?" gagad sa babae. "Sinigurado kung tulog na tulog na si Manang Ingga nang lumabas ako ng silid, si Marga ay wala kaya wala kang alalahanin," palatak ni Elsa at

