CH- 7

1717 Words
Alexandrea POV. Walang isa man sa aming dalawa ang nagsalita. Nakatayo si Sebastian sa gilid ng wall glass habang nakatanaw sa kadiliman ng gabi. Malakas pa rin ang ulan, patunay ang tubig na dumadaloy sa salamin. Malaya kong napagmasdan ang likuran niya… ang malapad na balikat, mga brasong may tattoo, at tamang muscles na nakalitaw sa polo shirt niya. Kung pagmamasdan, mukha siyang mayaman, siguro dahil magaling siyang magdala ng damit. Akala ko kanina ay aalis na siya. Kaya nakapagtatakang ilang minuto na ang lumipas… naroon pa rin. Ang magkabilang kamay niya ay nakapasok sa bulsa. Napansin ko rin ang taas niya ay hindi pangkaraniwan. Kahit sino ang makakakita sa lalaking ito, siguradong iisipin na isa siyang male model. Hindi lang iyon, gwapo pa siya kaya nakapagtatakang wala pa rin siyang asawa, samantalang sa pagkakaalam ko halos pareho lang kami ng edad. “Kanina ka pa nakatingin sa akin,” sabi niya matapos biglang humarap. Huling-huli niya ako. “H-Hindi ah!” mabilis kong tanggi bago tumayo at dinampot ang bag. “Hindi na siguro titigil ang ulan. Mas mabuti nang umuwi na tayo.” “Tayo?” tanong ni Sebastian na may kislap sa mga mata. “Ang ibig kong sabihin, uuwi na ako at baka mag-alala na si Mommy.” Nag-init ang pakiramdam ko. Bakit kasi iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko? “Ahm… sandali lang. ‘Di ba sabi ko sa’yo, dapat may bodyguard ka? Hindi ka na ligtas ngayon. Sigurado akong babalikan ka ng mga kasama niya o ng taong mastermind.” Nabitawan ko ang aking bag dahil sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng sobrang takot. Hindi lang iyon, nanginig pa ang buong katawan ko. “Alexandrea, ayos ka lang ba?” mabilis na tanong ni Sebastian bago niya ako inalalayan pabalik sa upuan. “S-Seb…” “Yes, narito lang ako.” “Sabi mo kailangan ko ng bodyguard. Kung i-hire ba kita, payag ka?” “Oo naman, lalo’t wala naman akong permanenteng trabaho ngayon.” “Salamat. Tara na at masyado nang late. Pag-usapan natin ang magiging setup at kung kailan ka magsisimula sa trabaho.” “Ngayon na ba?” mabilis niyang tanong. Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ang tanong ni Sebastian. “Ang ibig kong sabihin, bukas dito sa opisina. Pumunta ka nang umaga para sa kontrata.” “Kung sigurado ka nang tinanggap mo na ako bilang bodyguard mo, iwan ko na dito ang big bike na gamit ko. Sasakyan mo na lang gamitin natin, pagkatapos ihahatid kita ngayon at bukas susunduin kita sa mansion ninyo.” “Dadalhin mo ang sasakyan ko...?” Pinutol ni Sebastian ang iba ko pang gustong sabihin. Hinawakan niya rin ang aking kamay. “Hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang taong may masamang balak sa’yo. Basta bukas ng umaga, naroon ako sa labas ng gate ninyo. Doon kita hihintayin.” “Teka lang, ako ang boss dito. Bakit parang ikaw ang nasusunod?” bigla akong nakaramdam ng inis. “Hindi naman sa gano’n, My Lady Boss. Gusto ko lang makasiguro na ligtas ka. Siyempre, amo kita kaya nag-aalala ako… pag may masamang nangyari sa’yo… ang ibig kong sabihin, mawawalan agad ako ng trabaho.” nakangiting paliwanag ni Sebastian. “Fine!” At nagpatuloy na ako sa paglalakad habang kasunod ko siya. Ngunit paglabas namin ng building ay agad niya akong sinabayan ng lakad. Nararamdaman ko rin ang kamay niya sa aking likuran. Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan ko. Nang makaupo na ako ay hindi ko napigilang sulyapan siya at pagmasda. Dapat ba talaga akong magtiwala sa kanya na kamakailan ko pa lamang siya nakilala? “Gusto mong ako ang maglagay ng seatbelt mo, My Lady Boss?” nakangiting tanong ni Sebastian. “No, ako na.” agad kong sagot saka hinila ang seatbelt at ikinabit sa katawan ko. Nang umusad ang sasakyan, hindi ako nakatiis na hindi siya tanungin. "Ganda ng sasakyan mo," sabi humahangang sabi ni Seb. “Limited edition ang sasakyan na ito,” sabi pa niya. “Mayaman ang tunay na may-ari nito. Sa katunayan, lahat ng sasakyan niya ay limited edition. Hindi na raw niya masyadong nagagamit kaya binenta sa akin.” “I see…” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya tumahimik na ako at tumutok na lang sa harapan. Gayunpaman, naroon pa rin ang atensyon ko sa kanya at sa kausap niyang babae. naka loudspeaker ang cellphone niya kaya naririnig ko. “Ms. De Marcus, anong problema? Bakit napatawag ka sa ganitong oras?” “Seb, puntahan mo ako. Na-stranded ako, ayaw nang umandar ng makina ng sasakyan dahil sa lalim ng tubig.” “Nasaan ka?” nag-alala agad si Sebastian. “Hindi ko masyadong alam ang lugar na ito at hindi ko mabasa ang pangalan ng building na nasa harapan ko dahil sa sobrang lakas ng ulan. Madilim din dito kaya bilisan mo, natatakot ako.” “‘Wag kang lalabas ng sasakyan, i-lock mo at papunta na ako.” “Pero baka mapasukan na ng tubig ang loob?” “Bago pa makapasok ang maraming tubig sa loob, nariyan na ako…” “Okay, bilisan mo.” “Bye.” Agad nawala sa linya ang kausap ni Sebastian. Hindi ako nagsasalita pero gusto kong itanong kung sino ang kausap ni Seb. Pinsan ba niya iyon kasi pareho sila ng apelyido? “My Lady Boss, pasensya ka na. Kailangan muna nating puntahan si Mama at saka kita ihahatid sa mansion nyo.” “Mama mo ang kausap mo?” “Oo,” tipid na sagot niya. Napaisip ako. Wala bang ibang kamag-anak si Sebastian at siya ang tinawagan? “Nasaan ang ibang kamag-anak ninyo? Ang ibig kong sabihin, kapatid mo…” “Hindi ko ba nasabi sa’yo na wala akong ibang kapatid?” “Sorry, nakalimutan ko,” nahihiya kong sagot. “Ayos lang… wala kang dapat alalahanin. At tungkol naman sa pamilya ko, kagaya ng sinabi ko noon, kaming dalawa lang ni Mama ang magkasama. Meron akong pinsang mayaman, pero may pamilya na siya.” “Sorry, Mr. Sebastian. Sa dami ng iniisip ko, nakalimutan ko na ang tungkol doon,” sabi ko. Nahihiya talaga ako. Ano na lang ang iisipin niya? Na balewala lang siya sa akin? Naipilig ko ang aking ulo. “‘Wag kang mag-sorry. Natural lang naman na hindi mo maalala, lalo’t tauhan mo lang ako. Normal lang naman iyon at hindi big deal sa akin.” “Salamat, Mr. Sebastian…” “Seb. Seb ang itawag mo sa akin. Masyadong formal kapag ginagamitan mo ako ng mister.” bahagyang nakangiting sabi ni Sebastian. “Okay, Seb.” “Pasensya ka na talaga. Hindi ko lang talaga maaaring pabayaan si Mama. Isa pa, wala rin siyang masyadong kaibigan kaya ako lang lagi ang tinatawagan niya.” “Tama lang naman na ikaw ang tawagin niya lalo na sa ganitong sitwasyon,” sabi ko bago muling tumingin sa labas. At mas lalo pang lumakas ang ulan. Napansin kong mas bumilis pa ang pagmamaneho niya. Hindi ko na iyon kinuwestyon dahil alam kong nag-aalala siya sa kanyang mama. Wala na rin kaming imikan. Hanggang lumipas ang sampung minuto at biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Pagkatapos dahan dahang, huminto kami sa gilid ng medyo mataas na lugar. “Stay here. Paglabas ko, i-lock mo ang pinto. Hindi tayo pwedeng dumiretso pa, baka tayo ang ma-stranded.” “Sige. S-Seb… m-mag-ingat ka,” sabi ko sa mahinang boses. “‘Wag mo akong alalahanin. Basta kahit sino ang kumatok, ‘wag mong bubuksan. Mabilis lang ako.” “Oo, sige.” At lumabas na si Sebastian. Kagaya ng bilin niya, agad kong pinindot ang door lock. Ilang segundo lang ay dumilim ang loob ng sasakyan. Ang tanging liwanag ay mula sa ilaw ng sasakyan at iba pang dumadaang sasakyang kayang tumawid sa baha. Ilang minuto akong naghintay bago ko natanawan si Seb at ang mama niya na buhat-buhat ni Sebastian. Agad kong inakdaw ang mga gamit ko sa hulihang upuan upang hindi mabasa kapag umupo ang mama ni Seb. Nang nasa pintuan na sila, mabilis kong pinindot ang unlock. Bumukas iyon at ibinaba ni Seb ang ina nito sa upuan. “Seb, hindi mo na naman dinala ang payong kaya pareho tayong nabasa…” "Hiniram ko lang ang dala kong big bike kaya saan ko ilalagay ang payong na sinasabi mo, Ms. De Marcus?" "Whatever..." Narinig kong huminto sa pagsasalita ang mama ni Seb kaya napatingin ako sa kanya. “Magandang gabi po,” nahihiya kong bati. “Maganda ka pa sa gabi, Hija. Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?” “Ms. De Marcus, tigilan mo ang mga ganyang iniisip. Boss ko siya,” seryosong saway ni Sebastian sa ina. “Sorry, Hija. Akala ko kasi ikaw si Ms. Alexandrea na sinasabi ni Seb…” “Mama!” “Fine! Hindi na ako magsasalita, huh!” Napatingin ako kay Seb. Ano kaya ang sinasabi niya sa kanyang mama? Ngunit nawala ang iniisip ko nang buksan niya ang screen sa dashboard at nilakasan ang volume. Nilagay din niya sa balita. Kinabahan ako ng marinig ang sinasabi ng newscaster. Sapagkat ang mga daan na nabanggit at lubog na ang daan at masyadong malalim ang tubig. Iyon ang daan patungo sa mansion namin ni Mommy. “My Lady Boss, hindi ka na maaaring umuwi sa mansion ninyo, lahat ng madaanan natin patungo doon ay sarado na sa lalim ng tubig.” “Sa hotel. Sa hotel, doon mo ako ihatid.” sabi ko kay Seb. “Hindi ka ligtas doon.” Hindi ako nakapagsalita, naisip ko ang pinsan ko, pero ang daan patungo sa kanila ay sarado na rin pala. “Doon ka na lang sa bahay, kaya lang pagpasensyahan mo at maliit lang ang espayo.” Hindi pa rin ako sumasagot. “Tama si Seb, doon ka na muna sa bahay.” dagdag ng mama ni Seb. “S-Sige po, maraming salamat.” “You’re welcome, Hija.” malapad ang ngiti na sagot ng mama ni Seb, napansin ko ‘yon. Bakit? Napansin ko rin ang kakaibang sulyapan nila ni Seb. Ganun pa man ayaw kong mag-isip ng hindi tama, dahil nagmagandang loob lang naman sila sa akin. Kaya sa halip dapat matuwa pa ako... lalo at parang mabait ang mama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD