CH- 1

1221 Words
ALEXANDRIA POV. NAMULAT ako sa katotohanang wala akong kinikilalang ama.
 Sapagkat noong nasa sinapupunan pa lamang ako ni Mama, iniwan na siya nito. 
 Kaya nang ipanganak ako, kami na lamang dalawa ang nanirahan sa malaking mansyon, kasama ng mga bodyguard at mga kasambahay na naging saksi sa bawat yugto ng aming buhay. Habang lumalaki ako, unti-unti kong itinanim sa isip ko ang isang panuntunan: huwag magtiwala sa kahit na sinong lalaki.
 At hanggang sa aking pagdadalaga, pinanindigan ko iyon.
 Wala akong tinanggap ni isa sa mga naglakas-loob na manligaw, hindi dahil wala akong naramdaman, kundi dahil ayokong masaktan kagaya ni Mama. Ako si Alexandria Alegre, isang matagumpay na babae sa larangan ng negosyo. 
 Tatlongpung taong gulang, never been touched…dahil mula nang isilang ako, ni minsan ay wala akong naging boyfriend. Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay, may isang bagay pa ring kulang. 
 Hindi pag-ibig, kundi presensiya. 
 Isang taong magiging bahagi ng aking dugo, isang nilalang na tatawagin kong anak. Kaya isang araw, ginawa ko ang bagay na ni minsan ay hindi ko naisip na gagawin, nagpalathala ako ng anunsyo. 
 Hindi para maghanap ng asawa… kundi ng lalaking maaaring magbigay sa akin ng anak. SIMULA…. “Wanted: Perfect Baby Maker.” Iyon ang nakasulat sa papel na dala ng lalaking kumatok sa aking gate. Linggo kaya’t off ang aking mga kasambahay, at ang tanging kasama ko lamang ngayon ay ang mga bodyguard. Pinindot ko ang auto-lock at bumukas ang gate. Nakita kong naglalakad papasok ang lalaki sa loob ng malawak na patio. Agad na lumapit ang isa sa mga bodyguard at kinausap siya ng saglit bago siya pinasok sa living room. “Naririto ka upang mag-apply, ‘di ba?” agad kong tinanong. “Yes, Ms. Alegre,” maikli niyang sagot. “I know nabasa mo na ang confidential agreement na ipinadala ko sa iyong email. Ngayon, gaano ka nakakasiguro na ikaw ang lalaking nararapat magbigay sa akin ng semilya?” “I’m qualified, kaya naririto ako,” direktang sagot niya. Tiningnan ko siya nang maigi—mula kuko sa paa hanggang sa dulo ng kanyang buhok. Pinagmasdan ko rin ang kanyang kilay, ilong, tenga, pisngi, labi, ngipin, katawan, at ang makinis niyang balat. “Follow me,” utos ko habang nauuna akong naglakad kasunod siya, patungo sa loob ng aking library. “Lock the door… at alisin mo ang iyong mga damit,” wika ko nang walang paligoy-ligoy. “Ngayon na ba, dito mismo?” tanong niya, may halong pagtataka at kaba. “Yes, ngayon na. Lumayo ka sa mesa ko at tumayo sa gitna. Humarap ka sa akin habang isa-isang inaalis ang lahat ng iyong kasuotan.” Naupo ako at sumandal sa aking swivel chair, tuwid ang tingin sa kanya. Unti-unting inalis niya ang polo niya. “Nice abs. Susunod ang jeans, at isama mo na rin ang brief o boxer shorts.” “Sigurado ka ba na pati ito ay kailangan mong i-check?” tanong niya, halatang nahihiya. “Why not? Isa iyan sa requirements na nakasulat doon,” mahinang paliwanag ko. “O-okay.” Nahindik ako nang tuluyan nang maalis niya ang boxer shorts. Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang kanyang kasarian. “Are you okay, Ms. Alegre?” tanong niya, halatang nag-aalangan. “Y-yeah,” sagot ko habang tumatayo upang lapitan ang lalaking walang kahit anong suot. “Pakitaas ang dalawang kamay,” utos ko. Pagkatapos, dahan-dahan kong inamoy ang kanyang mga braso, leeg, at likod, pinagmamasdan bawat detalye ng kanyang katawan. “Huwag mong sabihin na pati ito ay yong aamuyin. Dahil siguradong magigising ang natutulog na sawa.” “Sawa?” s-saan?” at napa atras ako sa aking narinig.” Subalit narinig ko ang kanyang pinipigilang tawa. “Anong nakakatawa?” “Ikaw naman kasi, hindi mo ma-gets ang salitang sawa?” “Nasaan ba ang sawa, at paanong may nakapasok dito sa library ko?” subalit humagalpak na siya ng tawa na kinagalit ko. “Stop laughing! Or bagsak ka sa interview!” “Fine! Pero gusto kong ipaliwanag sayo ang ibig sabihin ko sa sawa.” “Okay, explain!” “Here, ito ang sinasabi kong sawa na maaaring magising once na inamoy mo.” “At bakit magigising kung aamuyin ko lang naman?” “Talaga bang wala kang karanasan sa lalaki?” nakita kong tila hindi siya naniniwala sa inaakto ko. “No, never!” “I see, kaya naman pala.” “Okay, makinig ka Ms. Alegre, ito ang kahinaan naming mga lalaki. Once na lumapit ang babae o makita nila ito ay agad na nagrereact. Nabubuhay agad siya at gustong pumasok sa kanyang partner.” “Humn…” tumango na lamang ako kahit hindi ko siya masyadong maintindihan. “Pero gusto kong amuyin baka kasi hindi ko gusto. Kailangan kong masiguro na wala kang body odor, that’s all.” “Okay, fine!” nang marinig ko ang sagot niya ay agad akong lumuhod sa harapan niya at inamuyan ko iyon. At agad akong napatayo ng makita kong mas lalong lumaki ang harapan niya. “See?” pasasakitin mo pa ang puson ko.” aniya sa seryosong tinig. “Whatever! Magbihis ka na at maupo ka rito.” “Pumasa ba ako?” tanong niya, ngunit hindi agad ako umimik. Binasa ko muna ang hawak kong medical result—klaro at maayos ang lahat ng nakasulat doon. “Kailan ang huling may nakasex ka?” “Few months ago.” “Walang girlfriend, ‘di ba?” “Wala.” “Okay. Hintayin mo ang tawag ko.” “What? Matapos mong makita lahat sa akin, iyon lang ang sasabihin mo?” “Ano pala ang inaasahan mo?” “Gusto ko lang malaman kung nakapasa ako.” “Yeah, tanggap ka na. May problema ba, Mr. Sebastian De Marcus?” “W-wala naman, pero bakit kailangan ko pang hintayin ang tawag mo?” “Dahil hihintayin ko ang monthly period ko at ang araw kung kailan fertile ako. Saka pa lamang kita tatawagan. Kaya siguraduhin mong hanggang may kontrata tayo, hindi ka maaaring sumiping sa ibang babae.” “Hindi ako gagawa ng mali, kaya wala kang dapat alalahanin diyan. At bago ko makalimutan, meron akong gustong linawin sa kontrata.” “Yes, go ahead. Nakikinig ako.” “Sabi mo, kapag nabuntis kita ng isang baby, isang million pesos ang babayaran mo.” “That’s right.” “Paano kung twins o triplets?” “Another one million pesos bawat isa.” “Ah, so kung triplets, tatlong million pesos?” “That’s right. Any questions?” “Last question.” “Go ahead.” “Paano kung sa loob ng isang buwan ay hindi kita mabuntis?” “Then, end contract.” “Wala akong matatanggap na bayad?” “Wala. Kasi ang nasa kontrata, kailangan mo akong mabuntis.” “Okay. Aalis na ako. Tawagan mo na lamang ako pag ready ka na.” “I will, Mr. De Marcus. Thank you.” “Bye.” Matapos umalis ang lalaki, nanatili pa rin akong nakaupo. Paano nga kung hindi niya agad ako mabuntis? Humn… Pwede naman sigurong ma-extend ang kontrata for another month, naisip ko. Biglang sumakit ang aking ulo sa ganitong pag-iisip. Pero siguro naman pagkatapos naming dalawa ng medical examination, at parehong healthy kami. So, wala na akong dapat alalahanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD