Chapter12 #sayaw #Eureka Matuling dumaan ang mga araw. At sa bawat araw na nagdaan ay naging magaan naman ang pagsasama namin ni Phaton. May mga panahon na nag-aaway kami pero dahil lang yon sa kapag may gusto ako na hindi niya naibibigay o nagagawa. Demanding nga ako ngayon at sa tuwina ay pinagbibigyan naman niya ako. Dahil siguro sa buntis ako. Papunta ako sa entertainment room para manood ng movie ng madaanan ko si Phaton na nagkukubli sa malaking indoor plants sa lobby.. Lalampasan ko na lang sana siya kaso nahinto ako ng marinig ang mga sinabi niya habang may kausap siya sa phone.. " Hello, baby. Kumusta ka na? Miss na kita eh, kumusta ang show mo dyan. Ah ganon ba, o baka hindi ka na kumakain dyan,, Hmmp ayaw Kung may mangyari sa baby ko. Ako ok lang naman,goodboy ako

