TROY
Masarap magbabad sa tubig kaya nagpasya akong punuin ang tub para magrelax ng kaunti. Para mabawasan na rin ang init ng katawan kong nagsisimulang mabuhay tuwing napapalapit kay Eliza. Hindi ko namalayang naidlip na pala ako. Isang malakas na sigaw at kasunod ng malakas na bagsak ng tila kung anong bagay ang gumising sa akin. Nagulat ako nang mamulatan ko si Eliza na nakadapa sa sahig at may sugat na ang noo. Hawak niya ang shower curtain na kasama niyang bumagsak din.
"What the-!?" tanging sambit ko at nagmadaling tumayo para tulungan siya.
Tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil siguro sa pagtama ng ulo niya sa kung saan. Nagdurugo iyon. Mabilis ko siyang pinangko at dinala sa kama. Tinakpan ko ng malambot na tuwalya ang kaniyang noo para tumigil ang pagdurugo. Medyo natatakot na ako nang hindi pa rin siya nagising ilang minuto na ang nakakaraan. Tumawag na rin ako sa reception para magpadala ng doktor. In Twenty-nine years of my existence, ngayon lamang ako natakot ng ganito. Halos yugyugin ko ang buong katawan ni Eliza para lamang magising. Sampung minuto rin bago dumating ang doktor, pero bago pa iyon dumating ay nagising na si Eliza kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Eliza, are you okay?" Tanong ko nang magmulat siya. Sobra talaga ang pag-aalala ko.
"Troy?" aniya. Pero nanlaki ang mga mata niya nang tumingin sa akin. Bigla niyang tinakpan ang mga mata niya, pero natigilan siya nang maramdaman ang sakit sa kaniyang noo.
"Be careful, hintayin mo muna ang doktor," sabi kong nag-aalala pa rin.
"G-get dressed please," sabi niyang nakapikit na. I didn't realize na bahagya na palang bumaba ang tuwalyang basta ko na lang itinapi kanina sa pagmamadali ko. She could almost see my manhood.
Nangingiting inayos ko na lamang ang tuwalya dahil narinig ko na ang mahihinang katok sa pinto. Isang staff ng hotel kasama ang doktor ang napagbuksan ko ng pinto.
Ginamot ng doktor cang sugat ni Eliza dahil wala namang ibang masakit sa kaniya. Pero inirekomenda pa rin nito ang pormal na check-up kinabukasan para masigurong wala siyang ibang injury.
Nang makalabas ang dalawa ay bumaling ako sa kaniya at nagsumulang magtanong.
"What are you doing lady?" kunwari ay madilim ang mukha kong tanong sa kaniya. Well, she deserve it! Pinag-alala niya ako.
"H-ha? A-akala ko kasi-" nauutal niyang tugon.
"What?" Putol ko sa sasabihin niya.
"Sinisilipan mo ba ako?" Direktang tanong ko sa kaniya. Lalo kasi siyang gumaganda sa paningin ko tuwing namumula siya sa mga tanong ko.
"Hoy Mister!" Tulad ng inaasahan ko ay namula siya pero nagawa pa ring magprotesta.
"Sorry, pero you are caught in the act. Guilty ka sa salang pamboboso," dagdag ko pa na lalo niyang ikina-inis.
"Hmp! Bahala ka na nga!" aniyang tumalikod na lang.
Natatawa naman akong ipingpatuloy na ang paliligo.
Tulog na siya nang muli akong lumabas ng banyo. Late na rin kaya humiga na lamang ako sa kabilang bahagi ng kama. May meeting ako bukas ng maaga kaya kailangan ko ring magpahinga. Pero paano akong makakatulog kung ganito kaganda ang katabi ko? Kahit na may benda ang noo ay napakaganda pa rin at napaka-amo ng mukha niya. Napaka-inosente niya. I'm sure virgin pa ang asawa ko. That's why I don't want to force her. Sa dinami dami ng nakasiping kong babae ay hindi pa ako nakatagpo ng birhen. I promised myself na kapag nahanap ko ang babaeng mamahalin ko, I will marry her right away. Hindi ko akalaing may bonus pa pala. Eliza is almost perfect! Siya ang babaeng hindi ka mahihiyang iharap sa kahit kanino. Kahit kay Mama na napakataas ng standard. Sigurado akong magugustuhan niya si Eliza.
Hindi ko mapigilang hindi haplusin ang maganda niyang mukha na nakaharap sa akin.
"Your'e so beautiful," bulong ko habang hinahaplos nang marahan ang mukha niya, ang mapupula niyang mga labi. Hindi na ako nakapagpigil. Inilapit ko ang mukha ko sa muka niya, amoy ko ang mabango niyang hininga. Hahalikan ko na siya nang biglang dumantay ang kaliwang paa at kamay niya sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi manatali sa ganoong posisyon hanggang sa makatulog ako.
Nagising akong masakit ang braso at leeg. Kaya naman pala, napaka kumportable ng ale na naka-unan sa braso ko habang naka dantay ang kamay niya sa leeg ko.
Napangiti ako sa itsura niya. Kahit na bahagyang nakangiwi ay may poise pa rin. Ganito ba talaga matulog ang mga babae?
Nagkunwari akong tulog nang maramdaman kong gumalaw siya. Mabilis niyang binawi ang braso na nakadantay sa leeg ko pero nanatili siyang naka-unan sa braso ko. Alam kong nakatingin siya sa akin. Pinagmamasdan ba niya kung gaano ako kaguwapo? Gusto kong ngumiti pero baka bigla niya akong sampalin. Hindi pa naman ma-predict ang mood ng babaeng 'to.
Dahan-dahan akong nagmulat, at nagtama ang mga mata namin. Nagtitigan kami, matagal. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil blangko ang expresyon ng mukha niya. Bilib talaga ako kung paano niya iyon nagagawa.
"What are you looking at?" maya maya ay tanong niya. Wala pa ring emosyon.
"You," tugon ko. Seryoso rin.
"Me?" muling tanong niya.
"My arm," kumunot ang noo ko.
"Oh! Sorry naman mister," aniyang biglang bumangon. Pero bumalik din sa pagkakahiga nang maramdamang kumirot ang sugat niya sa noo.
"Bakit ka nga ba kasi nasa banyo last night?" seryosong tanong ko.
"I-i'm checking on you! Mag-iisang oras ka na sa banyo a-akala ko nalunod ka na," paliwanag niya.
"Hah?" Hindi ko mapigilan ang hindi tumawa.
"I'm not kidding! It's not funny!" Bulyaw niya sa akin.
"Okay, I'm sorry," sabi kong sumeryoso na.
"I have meeting this early morning, pero sasamahan kita sa doktor after this. Magpahinga ka muna rito," patuloy ko nang maalala ang lakad ko ngayong umaga.
Bumangon na ako at walang ano mang naghubad ng suot kong pantulog sa harap niya. Nakita kong muli siyang nagtakip ng kumot sa mukha. Napapangiti na lamang akong nagpatuloy sa ginagawa.
"I'll be back, mabilis lang 'to," paalam ko sa nakahiga pa ring si Eliza. Parang hindi ko s'ya maiwan pero importante ang meeting ko with prospect investors.
"Take your time, I'll be fine," sagot naman niyang hindi man lang ako nilingon.
Tulad ng dati, mahirap pa ring basahin ang emosyon at iniisip ni Eliza. She is full of mystery, one reason why I'm so interested to her.
Isang lingon bago ako tuluyang lumabas ng silid, nakita kong nakatingin na siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata kaya saglit akong huminto sa may pinto. Blangko ang kaniyang mukha na tila tumatagos ang tingin sa akin. Ako ang unang nagbawi ng tingin. Tuluyan na akong lumabas at nagmadaling pumunta sa elevator.
Eliza
"Hoy babae, hindi ako cheap noh, hindi ako bibigay nang gano'n gano'n lang," bulyaw ko kay Jelay sa telepono matapos akong tuksuhin. Sinabi ko kasi sa kaniya ang nangyari sa aking kagabi.
"Sorry naman, saludo na nga ako sa'yo, tibay mo girl! Kung ako ang kasama ni daddy Troy, nakuuuu ihi lang pahinga n'ya!" sagot niya.
"Ay grabe s'ya. Hindi ka naman bastos ano?" Sabi kong may pagka-estrikta ang boses. Ganito kasi talaga si Jelay, akala mo laging nasa kalye. Minsan hindi marunong pumili ng mga gagamiting salita.
"Sorry naman Maria Clara," aniya.
"Sige na, balitaan mo ako d'yan sa prince charming mo, ha?" Sabi ko at tuluyan nang nagpaalam sa kaniya.
Alas onse na yata nang bumalik si Troy. Nagkunwari akong natutulog nang maramdaman kong dumating s'ya. Dahan-dahan naman siyang pumasok at isinara ang pinto nang makitang 'tulog' ako.
Narinig kong umupo siya sa sofa dahil narinig ko ang bahagyang ingit noon.
Hindi nagtagal ay narinig ko ang yabag niyang palapit sa akin. Mariin akong napapikit, bakit ba tuwing lumalapit sa akin ang lalaking ito ay napakalaki ng impluwensya n'ya sa pakiramdam ng katawan ko. Although iba ang sinasabi ng isip ko, pero iba rin ang nararamdaman ng katawan ko.
"Eliza," naramdaman ko ang banayad na haplos ng palad niya sa mukha ko.
"Hmmm.." Kunwari ay kagigising ko lang.
"Kailangan nating ipa-chech up yang ulo mo," aniya. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang tinig.
"I'm fine," sabi kong inartehan pa ang boses ko para magmukhang inaantok.
"Come on, nag-set na ako ng appointment sa doktor na ni-recommend ng hotel," pamimilit niya.
Sumang-ayo na rin ako dahil medyo sumasakit pa rin ang ulo ko. Para magamot na rin ang maliit na sugat sa noo ko.
Fortunately ay hindi naman malala ang pagkakabagsak ko. Nagkapasa lang ako sa hita, hindi ko na rin maalala kung paano ko ito nakuha. Ginamot lang ang sugat ko sa noo at niresetahan ako ng ilang gamot.
"Bukas na tayo mamasyal, magpahinga ka na muna," si Troy habang pabalik kami sa hotel, kumain na rin naman kami kaya wala nang dahilan para mag-stay pa sa labas kung hindi kami mamamasyal. Medyo malamig pa naman.
"Bahala ka," walang emosyong tugon ko. Ang totoo ay kinakabahan na naman ako dahil masosolo ko na naman siya.
"Let's go," aniyang hinawakan ang palad ko, nasa tapat na pala kami ng tinutuluyan naming hotel.
Pagdating sa kuwarto ay kapuwa kami walang imik na umupo nang pabagsak sa sofa. Nagkatinginan kami at sabay na tumawa.
"Baby," tawag niya sa akin.
"Hmm?" tugon ko namang nagkunwaring busy sa cellphone ko.
"Next month ay uuwi na si Mama at Dad," sabi niya. Pero para bang hindi pa pumasok sa utak ko ang mga katagang binitiwan niya.
"Uhm?" Muling sagot ko.
"Usually ay nagpapa-party ang kumpanya para i-welcome sila," patuloy niya.
"Gusto kong ikaw ang magplano para dito, don't worry tutulungan ka naman ni Miss Gonzales," dagdag pa niya.
"W-what?" Hindi mapigilang bulalas ko nang mapagtanto ko ang mga pinagsasabi niya. Pakiramdam ko ay para akong daga na nakatakdang sakmalin ng pusa ano mang oras.
"A-ayaw mo ba?" Medyo may lungkot ang tinig ni Troy. Para namang kinurot ang puso ko sa itsura niya.
"N-no, I mean agad-agad ba?" Bawi ko. Gusto kong makasiguro, ilang linggo na lang ay magpapalit na ang buwan.
"Hindi naman, mga third week pa ang schedule nila," aniyang lumiwang ang mukha. Bakit ba tila nararamdaman ko rin ang disappointment ni Troy tuwing makikita ko ang lungkot sa mukha niya?
"Thank you baby," sabi niyang bahagyang umusod sa tabi ko at akmang hahalikan ako sa pisngi. Hindi ako tumanggi o umiwas. Ito ang mahika ni Troy, kusang bumibigay ang katawan ko kahit na tumatanggi ang isip ko.
Kinintalan niya ako ng banayad na halik sa pisngi, pero hindi na siya lumayo pa, nanatiling magkalapit ang mga mukha naming dalawa. Bumaling ako at tiningnan siya, pero iyon lamang pala ang hudyat na hinihintay niya. Mariin niyang siniil ng halik ang labi ko. Matagal, hangga't tila kapuwa mawawalan na kami ng hininga. Bahagyang naghiwalay ang aming mga labi pero saglit lang, parang sumagap lang kami ng hangin para ipagpatuloy ang mainit na halik na iyon. Hindi na ako tumutol pa nang maramdaman ko ang bisig niyang yumapos sa maliit kong katawan. Wala na rin akong nagawa nang hilahin niya ako palapit sa kaniya.
Magkadikit ang aming katawan, at kahit kapuwa makakapal ang suot naming mga damit at ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya.
Nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko.
"Hah!" Napasinghap ako nang umabot iyon sa dibdib ko. Napakasarap sa pakiramdam ang mainit niyang palad na banayad na nagmamasahe sa malulusog kong dibdib. Kahit na bahagyang may kiliti dahil ngayon lamang iyon nahawakan ng iba ay ramdam ko ang tila kuryente na tumatawid sa magkadikit naming balat. Dahilan para mabuhay ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko na ngayon ko pa lang naramdaman.
"Ohh!" Hindi ko alam kung ungol iyon o daing nang pisilin ni Troy ang korona sa dibdib ko habang minamasahe ng isa niyang kamay ang kabila.
"Eliza..." Usal niya sa pangalan ko. Ramdam ko ang paghihirap ng kalooban niya. Ang pagtitimpi ng katawan niyang alam kong matagan nang nagpipigil. Isang senyales lamang mula sa akin ay alam kong hindi ko na mapipigilan pa si Troy.
Hindi ako umimik pero bahagya kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya at walang pangingiming inabot ang mga labi niya. Bahala na si Batman. Asawa ko naman siya kaya karapatan niya ang bagay na 'to.
Tila nabigla pa siya sa ginawa ko pero para iyong hudyat na tuluyan siyang mawala sa katinuan. At maging ako rin ay baliw na sa pakiramdam na dulot ng mga haplos at halik ni Troy.
"Eliza..." Muli niyang sambit habang dahandahang bumababa ang kaniyang mga labi sa leeg ko. Napapaigtad ako sa bawat dampi ng kaniyang labi sa balat ko.
"Uhhhh.." Sa wakas ay lumabas ang malakas na ungol sa lalamunan ko nang bahagya niyang kagat kagatin at dila-dilaan ang punong taenga ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Patuloy na akong nahuhulog sa patibong na ako mismo ang gumawa. Ang sarap sa bawat haplos at halik ni Troy ang patuloy na nag-aalis sa akin sa katinuan.