Chapter 2: Pagsundo

1177 Words
- 1 month later- Hawak hawak ko na Ng mahigpit Ang aking maleta sa tapat Ng aming bahay sa Oras ng alas 7 ng umaga darating na Ang van, Ang hinihintay kung susundo sa akin. Mahigpit kung hawak hawak ang aking maleta habang naglulumo pa din Ang aking mga mata dahil galing sa iyak ito simula kagabi. Ito rin ang huling araw Ng pagsasama namin Ng aking pamilya para sumali sa Isang show. Mamimiss ko Sila Ng apat na buwan. Mamimiss ko din Naman Ang Isang lalaking nagpatibok sa aking puso Ng Dalawang taon ngunit isang linggo na kaming hiwalay dahil sa mas pinili ko Ang ayaw niyang mapuntahan ko. Ang Isang show Na hinahangad Ng lahat Ang "experimedia". Maya- Maya pa ay dumating na Ang hinihintay Kong sasakyan, Ang Isang van na kulay puti at di kitang bintana nito kapag nakapasok ka na sa loob. Nakalagay Ang malaking salita na experimedia sa buong sasakyan. Nakita ko Ang paglabas Ng Isang lalaki na nakakulay itim Ang suit nito at mayroon ding facemask Ang kanyang mukha. Sa wari ko ay Isang manager Ng show. " Magandang umaga, Ikaw ba si Aycee Martinez" Tanong Ng lalaki. " Ako nga Po" sagot ko. "Password". Laking gulat ko sa sinabi niya, Napatulala ako habang naguguluhan sa sinasabi niya. Lumawak Ang bukas Ng bibig ko dahil sa pagkabigla. " Miss," tawag niya sa akin. " Tinext ka Naman siguro Ng staff Ng show, na din Yung password. Para Malaman na kasali ka ba talaga sa experimedia." " Yeah- yeah,right" kinuha ko Ang cellphone ko sa aking bulsa " Aycee experi no. 14," dugtong ko. May kinuha sobre Ang lalaki sa kanyang bulsa at tinignan ito. Bago binalik ulit sa bulsa. " Pasok ka na miss." Natakot ako sa mangyayari dahil may password pa Ang peg Ng lalaking to. Naalala ko tuloy ang pinanood Kong squid game Nung nakaraan. Sa pinanood ko, ganto din Ang sinabi nila noong kinuha Ang mga manlalaro sa kanya kanyang nakakaasign na Lugar at pagkatapos kapag nakapasok ka na sa van tyaka pa lang papausukan at makakatulog Ang mga player. Ganto din kaya sa experimedia? Ang kaibahan lang nakikita ko Ang mukha Ng driver tyaka Ng lalaki. Mahinahon akong pumasok sa van Kasama Ng aking maleta na may dalang mga damit at kakailanganin ko sa show. Pagkaupo ko sa loob ay napansin kung ako lang mag Isa, Wala akong ibang Kasama na nagaudition din sa show na to. Pagkapasok Ng lalaki ay Bigla na lang hinarurot Ang van. Buti na lang walang pausok effect. Ano ba Kasi Ang kinakatakot ko? Ito ba Ang effect Ng kakapanood Ng k drama. Hayyyys- hayst talaga,nag assume ako sa nakakatakot na di Naman mangyayari. Maya-maya pa ay pumasok kami sa Isang malaking hotel, aabot Ng anim na palapag at sa palagay ko mayayaman lang Ang nakakarating Dito dahil sa maaliwalas nitong kapaligiran. " Bakit Po tayo Naruto?" Naguguluhan Kong Tanong sa lalaki. " Dito Po kayo pansamantala mamalagi habang di pa nagsisimula Ang show. Inaasikaso pa Kasi Ang mga kakailanganin para sa bahay." Pagpapaliwanag Ng lalaki kaninang nagtanong sa akin. " Ahhh. Kung kung Ganon di pa magsisimula Ang show," bulong ko, " kaso kailan ako makakapasok?" Napansin kung napatingin sa akin Ang lalaki kaya sa pagkahiya ko ay nginitian ko na lamang Siya Ng mahinahon. " Hanggang sa puntahan ka Ng staff at ipa impake para ang gamit mo upang pumasok ka na," pagpapaliwanag niya, " at tyaka Hindi ka pwedeng lumabas I gumamit Ng gadget kapag nasa room ka na Ng hotel or nasa loob ka Ng experimedia."pagpapaliwanag niya. Hininaan ko na ang sinabi ko but niya narinig,ang talas Naman ng pandinig ng lalaking yun. Napayuko ako sa aking kinauupuan feeling ko napahiya ako dun. Iba nga ang inexpect ko,kala ko kasi ay kapag tinawagan ka na o sinundo Ng staff nila ay yun na din ang pagpasok mo sa show. Ang t*nga ko, maling- Mali sa inexpect ko pero okay lang at least makakapagpahinga. " Nandito na po tayo," sabi ng driver. Akalain mo nga Naman nagsasalita pala Ang driver. "Labas na tayo Miss,"sabi Ng Isang kasamaan Ng driver at Ang lalaking nagtanong sa akin kanina.Bakit kaya di niya sinasabi ang pangalan niya? Binuhat ko ang aking maleta bago bumaba at sinundan ko ang lalaki while ang driver ay nagharurot Ng van palabas sa parking lot. Naglakad kami papasok gamit Ang elevator papunta sa taas Ng floor ang ginamit namin. Patingin tingin ako sa lalaking Kasama ko, gusto Kong Makita ang kanyang kabuuan Ng mukha dahil sa itim na tela Ng facemask. " Ahh ako nga pala si Aycee Martinez" sambit ko kahit nahihiya ako sa lalaki. In about ko ang aking kamay sa kanya ngunit tinignan niya lang ito, " Ikaw ano pangalan mo?" Hinawi niya ng dahan-dahan ang kanyang facemask at tuluyan ng natanggal, lumingon ito sa akin. Hindi mapakali ang bilis ng t***k ng aking puso, nagulat ako sa nakita ko. Ang lalaking ito na NASA aking harapan ay may ibubugang kagwapuhan pala. Ang mala- mestiso niyang balat,matambok na mga pisngi at nakakapangakit na mga Mata ay nakakabighaning tignan. " Hindi mo na kailangan ng Malaman ang pangalan ko," sambit nito. "At bakit Naman," nagtataka kung tugon. " Dahil di Naman tayo makikita pa eh," pangiting tugon niya. Nakakabighani ang kanyang mukha kahit mas maliit pa Siya sa akin. Iba ang karisma ng lalaking ito, feeling ko na love at first sight ako sa kanya. Biglang huminto ang elevator tyaka nagbukas ang pintuan nito. " Halika na," paaya niya. Huminto kami sa number 14 na room at binuksan niya ito. Dinala ko ang aking maleta papasok ng kwarto. Napansin ko ang pagkaplain white ng kwarto, may sariling Cr ito at corridor upang magpalamig ngunit maliit lang ang pwesto ng kwarto. " Pansamantala Kang maghohotel arrest bago ka namin balikan ulit at ipasok sa show, may magbibigay araw- araw ng pagkain sayo kaya wag Kang magalala," sabi niya. " Okay po, salamat kung sino ka man," sambit ko. Nagulat ito sa sinabi ko upang mapatulala Siya sa akin. " Kasi ayaw mong sabihin sa akin ang pangalan mo eh" ngiting sarkastiko Kong sambit sa kanya. " Hmmmm. Okay", tyaka umalis at sinirado ng malakas ang pinto. Kahit sa huling pagkakataon Wala man lang Siyang sinabing pangalan niya. Tinaas ko sa kama ang aking maleta tyaka umupo sa gilid ng higaan binuksan ko ito ng paunti unti. Kinuha ko ang maliit na wallet sa gilid ng maleta at tyaka ito binuksan. Hawak hawak ko ang litrato naming dalawa ni Lance habang magkayap sa harapan ng salamin. Nakahalik Siya sa aking ulo habang ako Naman ay hawak ang cp na at napatingin sa salamin. Selfie picture namin dalawa, sa araw ng 2nd anniversary namin. Napansin ko ang pagtulo sa aking luha, ang lungkot ng paghiwalay namin dalawa. Nilukot ko ito at tinapon sa basurahan. Patuloy pa din sa pagluha ang aking mga mata. i gave you the assurance that even though makasali ako Dito ay tayo pa din but you break it, sana Masaya ka sa desisyon mo,Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD