CHAPTER 97 The MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Nang nakaalis na ang Mommy at kapatid ni Liam ay lumabas na rin sila sa hospital ni Mia. Dumiretso agad sila sa Ternate para doon na magpagaling si Liam. Kahit sa daan, naging mapagmasid at maingat sila na hindi dapat sila nasundan ng kahit sino dahil hindi pa sila handang lumaban. Nahihirapan pa rin kasing maglakad si Liam. Naging masaya sila sa piling ng isa’t isa. Sa umaga ay sabay silang nagigising. Nagkakape sa harap ng kubo habang magkatabing pinagmamasdan ang pagsikat ng haring araw. Pagkatapos ay aalalayan ni Mia si Liam na maglakad-kad sa tabi ng kubo para sa theraphy ng huli. “Tara, sumakay tayo sa maliit na bangka.” “Bakit? Mangingisda tayo? “May ipapakita ako sa’yo.” “May ipakikita ka sa akin? May mga hindi pa ba ako ala

