CHAPTER 76 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Tapos ka na? Ano ha? Masaya ka na?” hinawakan ni Leigh ang braso ni Lucas saka niya hinila palabas sa kanilang kwarto. Itinulak niya ito palabas saka niya mabilis na isinara ang pintuan. Ngunit hindi pa rin tumitigil si Lucas sa pagkatok. Hindi pa rin niya ito napakiusapan na tumigil. Tumayo siya. Kinuha niya ang kanyang baril saka niya binuksan ang pinto. “Tang-ina ka! Di ba sabi ko, magpapahinga lang ako. Gusto mo bang patahimikin na kita ngayon tang-ina mo?” itinutok niya ang baril sa sintido ni Lucas. “Papatayin mo ako? Sige patayin mo ako.” Ikinasa niya ang baril. Napalunok si Lucas. Kilala niya si Leigh. Kapag nagkasa ng baril, kasunod iyon ng isang malakas na putok. “Sige, magpahinga ka na,” halata ang panginginig sa boses ni L

