CHAPTER 83 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Nakita ni Liam ang number ni Eagle sa contacts ni Jaguar. Habang nagriring ay sinesenyasan niya sina Ancheta at Santiago. Mahigpit nilang inilublob ang ulo ni Jaguar. Nagwawala na ito. Nagsisigaw. Alam na alam niyang katapusan na ng kanyang buhay. “Hello! Tang-ina! Jaguar, nasaan ka!” Nanlaki ang mga mata ni Liam. Hindi siya nagkakamali. Kilala niya ang may ari ng boses na iyon. Bumunot ng malalim na hininga. “Ninong? Ninong kayo ba ‘to?” Boses iyon ng Ninong niya. Hindi siya maaring magkamali. Sobrang sakit sa kanya na tama nga siya sa kanyang hinala. Pinindot niya ang speaker. Lumapit siya kina Ancheta at Santiago. Sinenyasan niya sila na itaas ang ulo ni Jaguar. Pagkataas sa kanyang ulo ay banaag ang takot sa mukha nito. Nagsisis

