FINALE 1 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Kailangan niyang iwasan ang bala. Mabilis siyang gumulong haggang sa likod ng malaking puno. Ilang putok ng baril ang narinig niya. Ramdam niya rin ang mga balang dumaplis lang sa kanya. Bang! “Putang ina mo! Bakit ako ang binaril mo tarantado ka!” singhal ni Eagle kay Lucas. Tinamaan lang si Eagle sa balikat dahil nagawa nitong umilag. “Para ‘yan kay Mia, at eto, putang-ina mo ay para sa akin!” “Bangggg!” “At sa iba pang pinapapatay mo!” sigaw ni Lucas kasabay ng pagkalabit niya muli sana ng gatilyo ngunit huli na. Bang! Mas naunang nakalabit ni Eagle ang kanyang baril. Sapol sa noo si Lucas. Nakadilat pa itong bumagsak. Kinuha ni Liam ang pagkakataong iyon para mabaril si Eagle sa kamay nitog may hawak na baril. Nabitiwan nito

