CHAPTER 80 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Paglabas ni Liam sa inuupahan nilang kwarto ni Leigh sa Galera ay bumuhos na ang pinigilan niyang matinding pagluha. Sinikap niyang maging malakas sa harap ni Leigh. Nangako siya sa kanyag sarili na mapapaluha man siya ngunit hinding-hindi siya hahagulgol sa harap nito. Kung alam lang ni Leigh kung gaano niya ito kamahal. Kung batid lang sana nito kung gaano niya kagustong pagbigyan ito na balikan na lang nila ang tulad ng dati. Yung simpleng nagmamahalan lang sila at masaya. Yung sa kanila lang umiikot ang mundo nila. Ngunit hindi iyon gano’n lang kadali. May sinumpaan siyang tungkulin. Tungkuling araw-araw niyang tinatalikuran dahil sa inuuna niya ang kanyang nararamdaman. Naiipit din naman siya sa sitwasyon. May pananagutan si Leigh sa ba

