Chapter 17
"Napuno ng tuksohan, at galak ang buong maghapon namin lalo na ang lolo at lola ni marah halos ayaw ng bitawan ni tita pia at tuwang-tuwa sila ni nay lila, maging si veron hanggang sumapit ang oras ng pagtulog ay kina tito ariel at tita pia si marah.
"kinabukasan maaga akong gumising para mamalengke, pasado ala singko palang tulog pa ang lahat nasa byahe na ako ng may nakita akong batang naglalakad maaga pa kaya nagtataka ako dahil bihira ang mga bata sa ganitong oras na naglalakad at karamihan, ng mga dumadaan ay pawang mga seklista.
Tumigil ako at bumaba ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang sa bata ay may humataw na sa ulo ko at nagdilim na ang paningin ko huling nakita ko bago magsara ang mata isang container ban".
"Nagising ako ng tila umaalon ang kinaruruonan ko at pag dilat ko ng mata isang babaeng dugoan ang katabi ko napaatras ako sa sulok naka gapos kami pareho at may takip ang bibig.
Makalipas ang halos dalawang araw namin sa maliit na barko, at puro baka ang kasama namin at ilang babae na armado at lalaki pagdaong ng barko sa pantalan nakatakip na ang mata naming dalawa kasama pa din namin ang mga baka mga imported na baka pagkatapos mahabang byahe naman kong minsan aspalto base sa pakiramdam ko dahil naka piring ako may arenola lang na inaabot sa amin walang namutawi na salita ng kasama ko dahil naka sarado ang bibig namin.
Tanging tingin lang sa bawat isa maging ang mga babaeng armado pagkatapos ay halos isang araw kaming naglakad at nadatnan namin ang isang tribo, halos salat sa buhay ni sapin sa paa, ay wala sila at ang mga kinakain ay pawang nasa kagubatan lang.
Samantala halos mabaliw ako ng tanging kotse, lang ni abril ang natagpoan at may nakalagay na sulat palayain mo si ka Luis at ka Martin kapalit ng buhay ng asawa mo?"
Pagkatapos ay may nag send ng vedio ni abril wariy nakasakay ito sa barko, inaaral ko ang vedio ilang beses kong pinapanuod ng sumilip si tita pia inihehele nito si marah naluluhang napatayo ako at kinarga si marah marahil ay hinahanap na nito si abril dahil nag breast feed pa ito?"
Naluluhang niyakap ako ni tita pia.
Maging matapang ka judah para sa anak at asawa mo huwag kang panghinaan ng loob mahahanap din natin si abril kahit dumadaan tayo ngayon sa butas ng karayom wika ko.
Matapang si abril alam kong babalik sya ng ligtas, sa atin.
Lumipas ang halos isang buwan na kaming dalawa nalang ang naiwan ng kasama kong sundalo ayon sa name tag nitong suares ang nakalagay tulala naman ito at marahil ay natruma, sa ginawang pahirap sa kanya magaling na ang mga paso at bugbog nito.
Wala naman akong maintindihan sa mga katutubo dahil hindi sila marunong mag tagalog, maski ang pulitiko ay hindi nila kilala gumawa lang ako ng kalindaryo ko gamit ang mga uling na pansulat."
pagkatapos ay inumpisahan kong libangin ang sarili at masanay sa buhay ng mga katutubo dahil mahigpit ang bantay na mga kalalakihan, sa amin naiintindihan ko lang ang senyas nila na putol leeg, sigurado akong kapag tumakas at maabotan nila ako lalo't hindi ko pa kabisado ang kagubatan.
"Nag umpisa akong turoan ang mga babaeng katutubo at mga kabataan na bumasa, at sumulat nong una ayaw nila hanggang sa nakonbinse, ko sila dumadalaw ang mga tulisan kada kataposan, at may ibinibigay ito sa pinuno ng tribo at sila lang ang may alam ng lenguahe ng katutubo?"
Hanggang, ang mga araw ay lumipas inabot na ako ng apat na buwan ayon sa kalendaryong ginawa ko at ang lungkot ko gabi-gabi iniiyak ko nalang ng tahimik sa bawat batang nakikita ko na-aalala ko si marah kong ano na ang kalagayan nilang mag-ama.
Guro- guro!"
Wika ng batang si kamil magaling na ang karamihan, magsalita ng tagalog bumasa at bumilang ano iyon tanong ko.
May mga dayo paparating.
Talaga nabuhayan ako ng loob dahil baka ito na ang pag-asa namin ni suares, tulala pa din ito.
Mga taga nayon guro.
"Wika ni kamil, maya-maya ay nakita kona ang grupo mga mountaineer ito kaso ng pupuntahan kona sana hinila ako ng mga lalaking katutubo at ikinulong sa gawaan, nila ng sinulid na abaka, sila ang naghahabi ng mga sinusuot nila.
Mabutit at sumunod si kamil sa akin mabilis ang kilos kong naghagilap, ng masusulatan pinunit ko ang tela ng suot kong lumang-luma na at mabilis ulit ang kilos na nagsulat inutosan ko si kamil na iabot sa mga dayo.
Mabilis itong tumakbo, sa grupo at kunyare naglaro at nakita kong pasimpleng isinuot nito sa bag ng isa ang sulat ko hindi ako makasigaw dahil seninyasan akong huwag maingay Kong hindi patay daw ang mga dayo sila lang ang pag-asa namin ni suares, kaya nagpaka bait ako kailangan nila makabalik ng nayon at piping dasal ko mabasa nila ang sulat ko?"
Samantala nagtataka ako sa batang makulit na paikot ikot sa likod nila nag panggap kaming mountaineer, para malibot namin ang mga kagubatan sa mga piligrusong lugar, sa pilipinas para ligtas kami seninyasan kami ng tribo na umalis na at hindi kami welcome sa kanila ayon sa kasama naming nakakaintindi ng mga lenguahe ng tribo sa pilipinas hindi pinapayagan ang mga taga nayon manatili sa kanilang lugar.
Panay ngiti ng batang lalaki sa amin tahimik lang ito inabot ko ang natirang candy.
Hinge pa.
Nagulat kami dahil marunong itong magtagalog, pasimpleng nagtinginan kami at lihim na tinanong ang bata sino nagturo sayo ng tagalog.
Si guro?"
Saan sya, bulong ko.
May liham sa bulsa mo lagay ko po.
Kinabahan ako ma-aaring nandito si abril kaya kami pina-aalis ng datu tinawag na ang bata nagtatakbong lumapit ito sa magulang nila.
Panay ang nguya ng nganga, ng datu ng muli kong tingnan.
Halika na?
Yakag ng tour guide, namin.
Bawal daw tayong mag tuloy dito at huwag ng babalik.
Habang naglalakad kami ay pasimpleng kinakapa ko ang bag ko isang punit na tela ang nakuha ko kaso ibinalik ko ulit dahil nakasunod pala ang mga kalalakihan ng tribo, halos limang oras kaming naglakad nakasunod pa din ang mga ito at siniguro nila na sa nayon kami pupunta saka lang nawala ang mga ito ng matanaw na ang ilang kabahayan.