"Napatawad mo na ba sya?" tanong ng katabi ko. Tumingin ako sa kanya na ano-bang-ginagawa-ko-dito? "Aba! malay ko bang napilitin ka lang." Napabuntong hininga ako. "Naiinis ako sa ginawa nila pero..." "Pero mahal mo na si Acey kaya pupuntahan mo sya." sabi nya. "Wala akong sinabing mahal ko na sya." natawa sya kaya napasimangot ako. "Sige na, kunwari hindi ka namumulan ng mukha." pag-aalaska nya pa. "Shut up." inirapan ko sya. Tumingin ako sa labas ng bintana. Saktong six ng umaga daw lalapag ang private jet ni Gil sa Garden City Regional Airport. Si Gil ang kasama kong pumunta ng America dahil tapos na ang bakasyon nya sa pilipinas pero ang sabi nya magsta-stay na rin daw sya sa pilipinas sa susunod na taon dahil ayaw na daw nya malayo sa tatlong kaibigan nya. Hindi pa nga sure ku

