"Check...mate." ibinaba ko ang librong binabasa ko na gawa din ni Acey pero hindi nya nilabas sa bookstore. Tumingin ako kay Acey na kalaro ang pamangkin nyang babae na si Lica sa chess. "Ugh! Why?! Why?!" sabi ni Lica habang sinasabunutan ang buhok nya. "Hahahaha!" tawa lang ni Acey. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sya. "My turn! my turn!" tinulak ni Lion si Lica paalis sa pwesto nito. "Eh?! No way! We're not done yet! Lion!" sigaw ni Lica. "You can't win against Auntie Acey, so give up." sabi ni Lion. "So you think, you can win? In your dreams!" sabi din ni Lica. "Hey, stop, wag kayong mag-away." paawat ni Acey. "Parehas lang naman kayong hindi mananalo sakin." sabi nya pa. Yabang. "Wala pa nga atang nakakatalo sayo. Acey." sabi ni Ate Ayen, pangatlo sya sa huling magkak

