I Love You written by nicetoseeyouagain Unang araw sa highschool. Bagong school, bagong teachers, bagong kaklase, bagong uniform at bagong mga mukha. Lahat ng mga nakakasabay kong maglakad papasok sa Crimson Academy excited na excited. May mga grupong lalaki na pinag-uusapan na makakuha ng magandang girlfriend habang yung mga grupong babae pinag-uusapan yung mga sikat na tao sa Crimson Academy, may mga couple rin na naglalambingan sa daan at may mga loner rin katulad ko. Ako lang ata ang hindi excited na pumasok. Sa totoo lang, ayoko talagang mag-aral kaso kailangan mag-aral kaya napipilitan lang akong pumasok tapos nakakabitin pa ang bakasyon. Parang isang linggo lang nangyari yung bakasyon sa sobrang bitin. Sana bumilis ang panahon at graduate na ako para nasa bahay lang ako palagi. Ma

