Chapter 14

2155 Words

Nagkakape ako sa may sala nang marinig kong sumisigaw sigaw si Kevin habang tumatakbo pababa. "Mommy si Tita Acey!" tila natatakot nyang sabi. "Bakit ka tumatakbo?" takang tanong ko sa kanya. "Si Tita Acey, may dugo!" napakunot noo ko, paano naman mangyayari yon? "Mommy! si Tita Acey!" "Oo na, ito na." sumunod ako sa kanya papuntang kwarto ni Acey. Nakita ko sya sa higaan na para bang namimilipit sa sakit ng tiyan at nakita ko ngang may dugo sya...sa pwetan. Oo nga pala, never pa nakita ni Kevin na dinadatnan ako dahil sakto palagi na nasa school si Kevin at si Lorenzo lang yung nasa tabi ko kapag sumasakit ang puson ko kaya malamang hindi alam ni Kevin ang ganitong bagay kahit ten years old na sya. "Mommy." parang naiiyak na sabi ni Kevin. Napangiti ako at ginulo ang buhok nya. "No

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD