Maru's POV "Nandyan na!" sigaw ko sa taong doorbell ng doorbell sa condo unit ko. Hindi ko na tinignan pa sa pinhole kung sino yon dahil bubuksan ko na rin naman yung pinto at asar na asar ako sa kaka-doorbell nya. Hawak ko na ang doorknob at ipipihit na lang pero biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa coffee table lang ng sala. "Really?!" napahilot ako sa sentido ko dahil sabay na nagri-ring ang cellphone ko at doorbell ng doorbell yung nasa labas. Pinili kong unahin yung nagdo-doorbell dahil ayaw tantanan ang doorbell ng condo unit ko. Napakunot ang noo ko nang malaman kung sino ang lapastangang kinawawa ang doorbell ko. Paano nya nalaman na nandito ako? ni isa sa mga pamilya ko hindi ko sinabi na may condo unit ako kahit kay Kevin. Dito ako na nanatili kapag hindi kami okay ni Lo

