Nag lalakbay si eugine pa punta sa pinaka malapit na bayan para meron itong matuluyan, habang nasa gitna ng kagubatan ay naka-rinig si eugine ng isang malakas na sigaw.
"KYAHHH!"
Kaya nag madali si eugine na puntahan ito, nakita ang grupo ng adventurer na napapalibutan ng goblins subalit ang goblin ay nasa 50 lang ang bilang nito.
Ang goblins ay kilalang notorious pag dating sa mga adventurer na babae walang awa nila itong hahalayin at papatayin.
"Focus balik sa linya"
Sigaw ng leader pero ang mga goblin ay mabibilis, nasugatan ang isang kagrupo nila at nawala ang kanilang formation.
"Ahh tulong ang sakit"
Sinamantala ito ng mga goblins para lusubin ang mga adventurer, kaya agad ng lumabas sa eksina si eugine, Mas malakas na siya kumpara nung nakaraan ang mga goblins sa kanya ay tila ba langgam nalang.
"Okay lang kayo?"
Kumuha ng espada si eugine itinago niya ang kanyang skill dahil napaka delikado nito at kakaunti lang ang mga kalaban, tumaas din ang kanyang physical strength at agility.
Nagtaka ang mga adventurer dahil sa weirdong kasuotan ni eugine, pero ang leader ay humingi pa din ng pasasalamat kay eugine.
"Uhm thank you"
Natalo ni eugine ang mga goblins ng wala pang isang minuto kaya ang mga adventurer ay gulat na gulat sa kakaibang lakas nito.
"Sir thank you ulet sa pagligtas mo sa amin"
Dito din nakilala ni eugine ang mga pangalan ng adventurer nasi Daisy, Mark, Kevin. ang tatlong ito ay kilala bilang silvers rank.
Nag usap usap ang mga ito kung bakit sila napunta sa gitna ng kagubatan, tinanggap nila ang isang quest na mag hunt ng wolfs pero sa kasamaang palad ay na encounter nila ang mga goblins.
"Maswerte parin tayo kasi niligtas tayo ni sir eugine"
Ang Sabi ni daisy, Si daisy ay medyo clingy kay eugine na para bang meron pahiwatig pero dahil sa pagiging broken Hearted ni eugine ay hindi niya ito pinansin.
"Sir eugine saan lugar ka lumaki"
ang paligid ay nabalot ng katahimikan nung tanungin ni daisy si eugine, walang masagot si eugine at pinagpapawisan na ito.
"Ah taga maliit na bayan lang ako pero di masyado kilala dun.. dun lang ha.ha.ha"
Nanginginig na sinagot ni eugine, pero hindi naman ito seneryoso ng tatlo at tuloy lang sila sa pag kwekwentuhan, Dumating sila sa mismong gate ng siyudad sobrang higpit ng security nito.
Ang mga taong walang I.D na pagkakakilanlan ay Hindi pinapapasok sa gate.
"Ikaw asan ang Identity Card mo?"
"Wala po akong sapat na pera para maka kuha noon"
Tinulak papalayo ng guwardya ang matandang naka pila sa gate.
"Next"
Ang sunod na titignan ay ang sinasakyan nila Eugine nakita ng mga guwardya ang badge ng adventurer pero si eugine ay hinarang.
"patingin ng Identity card sir"
Magalang na tanong ng guwardya, walang mapakita si eugine ng card kaya nag dahilan nalang ito.
"Ahm nahulog ko sa gitna ng biyahe eh"
"Hindi po namin kayo pwedeng papasukin hanga't wala po kayong pinapakitang card"
Hinarang ito ni mark at ginawan ng paraan upang palagpasin na sila ng mga guwardya.
"Naka harap namin ang mga goblins siguro nahulog ito kung saan kaya hindi niya mapakita"
Pinakita ni mark ang ulo ng mga goblins na naka sako dahil ang mga goblins ay malaki ang kapalit na gold coins.
Nagulat ang mga guwardya sa nakita nilang mga ulo ng goblins.
"Acck ganun po ba pasensya kana ha God bless"
Nakapasok sila eugine ng walang problema, nag paalam na din si eugine kila mark at naghanap ito ng matuluyan bahay, naglalakad ito malapit sa fountain ng meron humatak ng kanyang kamay.
"Sir bago kalang dito?, Meron kaming Inn na sobrang mura"
Hinatak si eugine papunta sa isang inn, ang dalawang araw na pag rerent ay dalawang bronze coins, walang problema si eugine pagdating sa pera dahil sa na natapos niyang mapatay ang libong goblins ay nagkaroon ito ng madaming gold coins.
"two bronze coins para sa dalawang araw"
"mag sstay ako para sa isang buwan"
Binayaran ni eugine ito at agad ng umakyat sa kwarto.
"Room 103"
Sinamahan siya ng may-ari para ipakita ang kanyang kwarto.
"Ahhh sawakas naka higa din sa isang kama"
naka tulog ng mahimbing si eugine at pag-gising niya ay gabi, na naghanap siya ng makakainan sa labas, tumalon ito ng sobrang taas at tumayo sa isang mataas na gusali, Nakita niya ang napaka gandang lugar.
"Wow ganto din kaya kaganda yung dati kong tinitirhan?"
Nakakita si eugine ng isang tindahan ng mga pagkain, ang disenyo ay makaluma, Hindi niya maintindihan ang mga nakasulat sa menu, kaya para hindi siya mahalatang hindi niya kayang basahin ay.
"Hmmm hmmm..."
"Sir order niyo po?"
Tinitigan lang ng matagal ni eugine ang menu, inulit uli ng waiter ang tanong.
"Uhm sir naka pili kana po ba kasi 15 minutes kana po kasi naka tingin eh"
Sinara ni eugine yung menu at sinabing.
"Bigyan mo nga ako ng best seller niyo"
Agad naman inihanda ng waiter ang order ni eugine, ilang minuto lang ang sandali inilabas na Ang order ni eugine, gutom na gutom si eugine halos mabulunan na siya sa bilis kumain, tinanong siya ng waiter.
"Sir masarap po ba?"
"Oo sobra malasa ang sabaw"
"Bihira lang po kasi kami maka tanggap ng special menu"
Habang hinihigop ni eugine ang sabay ay tinanong niya ang waiter.
"Ano ba klaseng pagkain ito?"
Ngumiti ang waiter at sinabing.
"Ayan po ay ang special soup number 5"
"Soup number 5 sobrang syosal ng pangalan ah"
Nang sabihin ng waiter an rekado ng ito.
"Ayan mo po kasi ay galing sa ari ng toro bihira lang po talaga ma serve"
natigil si eugine sa narinig nito.
"Ftttt"
Halos mabuga niya ang lahat ng nasa bibig niya at tila diring diri sa nakain nito.
"Hah? ari? bat ngayon mo lang sinabi?"
Nagkamot ng ulo ang waiter.
"Eh sir naka sulat po sa menu ang recipe ng soup number 5"
Halos maubos na ni eugine ang pagkain bago niya nalaman kung ano ang kinakain nito, hindi na niya tinuloy ang pagkain at binayaran na niya saka umalis.
"Eto na sayo na din ang tip"
Masayang naka tanggap ang waiter ng tip.
"Maraming salamat po balik ka po ulit"
Bumalik na si eugine sa kayang Inn para magpahinga, habang naglalakad ay hinihimas niya ang kanyang tiyan.
"Ah sa dami daming makakain bakit yun pa"
Nang nakapasok na siya sa inn ay humiga na lang ito sa kama, naka tulala sa kisame at dahan dahan naka tulog.