ANGEL POV
"Really girl? Nakakapanghinayang naman pala kung ganoon. Sige siya, mahirap tumandang mag isa."
Lumalim din tuloy ang tingin ko dito kay Cindy sapagkat parang iba na ang mga tanungan niya. Na tila ba ay nagkakaroon siya ng interes sa Uncle ko kaya ako nakakaramdam ng selos. Magandang babae rin itong si Cindy at halos porselana rin ang kanyang kutis at parang may dalang sarili niyang ilaw. Wag naman dumating sa punto na isang araw ay landiin niya ang Uncle na boyfriend ko.
Kaya pabiro ko tuloy siyang tinukso. Kapag kinilig siya, ibig sabihin nito ay may lihim siyang pagtingin sa Uncle ko at dito na magkakaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin.
"Crush mo ba ang uncle ko?" pabibiro ko sa kanya.
Sa gulat niya ay hininto niya kaagad ang sasakyan at tumingin sa akin.
"No! Bakit ako magkakagusto sa Uncle mo? Porket marami akong tanong sa kanya, does it mean na crush ko na siya? I am not into older guys at tsaka wala pa akong plans to have a boyfriend!"
Grabe, sobrang defensive niya at halatang pinipigilan niyang kiligin. Pero naging mahaba pa nga ang kanyang explanation kaya natatawa ako. Pwede na sana ang sagot na 'hindi' sa akin ngunit ang dami pang pasikot sikot ng kanyang mga sinasabi.
"Okay!" maikling sagot ko sabay tingin sa harapan.
Naging tahimik na kami sa aming biyahe. Naabutan pa nga kami ng traffic hanggang sa makauwi na kami ng halos na gabi sa kanila. Sa labas pa lang ng gate ay natatanaw ko na ang maganda nilang tahanan at bagong pintura pa ito ng ako ay dumungaw.
"Ayos ha? Katas ng pag aartista!" sambit ko.
"What? Meron din akong share sa nakikita mo ngunit hindi galing sa akin ang lahat ng mga gastos diyan. May share ang buong family ko pero grabe ang traffic no? But ang sabi nga nila, it's better to be late than never. Tara baba na tayo, I am so sure that my mom will be glad to meet you!"
Ako rin, super excited nang makita ang kanyang mama at buong family. Sabay pa nga kaming nagtanggal ng aming mga seatbelt at pumasok na sa loob ng kanilang bahay na mas maganda kapag pumasok at mayroon pang sariling garden.
At nakaka ilang hakbang pa lamang kami ay naririnig na namin ang halakhakan sa loob ng kanilang bahay. Mukhang nagkakaroon sila ng kasiyahan kaya tama ang timing ng pagpunta ko rito. Sana rin ay marami silang mga pagkain kasi batid ko na masarap magluto ang kanyang nanay.
Pagpasok namin sa loob ay nakita namin sila na nagkakasiyahan. Ang mama nitong si Cindy at dalawa niyang lalaking kapatid kasama ang kanyang mga magulang. Subalit ang hindi ko inaasahan ay makita ang manliligaw niyang si Jason na may dalang dalawang bouquet na red roses. Alam ko yan kasi siya ang nasa pinaka dulong upuan at katabi niya ang mga roses niya.
At natitiyak ko na may iba pa siyang dala. Napatingin ako rito kay Cindy na ang haba ng hair. Ngunit ng tingnan ko siya at hindi man lang siya natuwa or kinilig eh ang pogi ng manliligaw niya at ang lakas ng loob na umakyat ng ligaw sa kanya.
Kung tutuusin nga ay bagay silang dalawa. Nakikita ko na magiging perfect couple sila kaya inasar ko na itong si Cindy.
"Naks! Sana all may manliligaw na nag dadala ng roses sa bahay. Inggit much tuloy ako sayo friend!"
"No! Binasted ko na siya and I am not aware na nandito siya sa bahay!" sambit niya.
Sa mga titig niya dito kay Jason ay halata na may hindi siya magandang sasabihin. At yun na nga, lumapit na kami at nag salo salo sa hapagkainan. Ngunit nararamdaman ko ang ilang nila sa isa't isa lalo na itong si Cindy.
Halata na ayaw niya dito kay boy kaya nasasaktan ako para sa kanya. Hindi rin kasi siya masyadong sikat kaya siguro ayaw ni Cindy na madamay kasi kahit papaano ay sikat pa siya.
Nang matulog na kami sa kanyang kwarto, ayaw niya rin akong kibuin. Tahimik lamang siyang nanonood ng kdrama sa kanyang laptop. Thankful pa nga ako na pinahiram niya ako ng damit subalit nakaka ilang ang ganito.
"Girl, okay ka lang ba?"
"Yes," sagot niya ng tumingin sa akin. "Sige na girl sleep ka na and then tomorrow ay ihahatid kita sa inyo. Sana ay nag enjoy ka sa food at kwentuhan kanina rito."
"Talagang nag enjoy ako ngunit ang tanong, ikaw ba?"
Sa pagkakataon na ito ay naging pilit na ang kanyang ngiti.
"Yes I am, sige na sleep na girl!" sambit niya. "Wag mo na pala intindihin si Jason kanina ha? Sa totoo lang, gusto ko na nga sana siyang itaboy ngunit ayaw ko siyang mapahiya sa harapan niyong lahat kaya nag chat ako sa kanya na wag nang umakyat ng ligaw kasi I will do the same to him. I am not yet ready to fall in love again. Mas maigi pang focus muna ako sa career ko."
Lumingon siya ulit sa kanyang laptop at halata na ayaw na niyang makipag usap pa. Hinayaan ko na nga siya at baka magalit pa ito kapag kinausap ko. Sana ay okay lang din si Jason kasi ang sakit din na mabasted ng isang babae tapos artista pa sila parehas. Malamang ay ma blind item sila nito at lalabas sa press. Sa bagay, exposure din yan at katulad nga ng sabi ni Uncle Lucas, good or bad issue is still a publicity.
Marami pa naman tao ang mas may pakialam sa mga chismis kaysa sa sarili nilang mga buhay. At alam na alam namin ito ni Cindy. Natulog na ako ngunit nagising ako ng may tumapik sa aking pisngi.
Nang dahan dahan kong imulat ang aking mga mata ay nakita ko si Cindy.
"Girl, sinusundo ka na ng tiyo Lucas mo! Nasa baba na siya at halatang nagmamadali pa eh!"
Sa sinabi niyang ito ay nawala kaagad ang antok ko kaya nang hingi ako sa kanya ng mouth wash at nag mumog ako sa cr. Nagmadali pa nga akong lumabas at bumaba. Ngunit nagulat ako kasi hindi si Uncle ang nakita ko, isang lalaki na kinaiinisan ko pa!