Ilang araw na hindi nagpunta si Fourth dito sa bahay, kaya malungkot si Myrrh. Mabuti na lang at araw-araw naman na nagpupunta dito ang lolo at lola niya. Wala din siyang text kung bakit hindi niya nadadalaw ang anak. Wala din akong plano na i-text o kaya ay tawagan siya. Wala ding sinasabi ang kaniyang mga magulang. Kapag nagtatanong ang anak ko, sinasagot nila na busy ito o kaya naman ay iniiba nila ang usapan. Ibig sabihin hindi din alam ng kaniyang mga magulang kung bakit hindi ito nagpaparamdam. Sana naisip niya man lang na tawagan ang kaniyang anak. Alam naman niya ang landline number at celphone number ng aking mga magulang. "I miss my daddy!" Ayaw kumain ni Myrrh. Apat na araw na ngayon na walang paramdam ang ama niya. Malungkot ako na nakikita ang anak ko na ganito. Ano ba

