Kahit ano'ng pigil ko sa sarili, hindi ko pa din nakayang kipkipin ang aking kilig nang dumating si Fourth. May dala siyang bulaklak at isang malaking box ng chocolate. "Thank you." Hindi na mabura-bura ang ngiti sa aking labi na pinipigilan kong lumapad at baka magmukha akong obvious. He gave me a swift kiss. At hindi pa siya nakuntento, dahil umulit pa siya hanggang sa halos ayaw na niyang lubayan ang aking labi. Natatawa naman akong yumakap sa kaniya at ginantihan ang matamis niyang halik. Bakit ba ang sweet niya? Tatlong oras lang naman siyang nawala pero para bang sabik na sabik siya sa akin. Lahat ng doubts ko ay pansamantalang sinantabi ko muna, lalo na ng maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking dibdib. Minamasama ito habang ang labi ay naglalakbay na pababa sa aking leeg.

