ILANG buwan na ang nakalipas mula nang huli kaming nagkita ni Fourth. Muntik ko na nga siyang makalimutan na nag-e-exist siya, e, kung hindi lang siya biglang dumating dito sa gym. Tumatakbo ako sa threadmill nang gamitin din niya ang kabila. Madrama pa siyang tumingin sa akin habang nakangisi na sinasabayan ang bilis ng aking pagtakbo. Ngumiti naman ako pero muli ko na ding nag-focus sa aking ginagawa. Sobrang stressful ng nakaraan na buwan kaya naman naisipan kong magbabad sa gym. Sabi nga, if you're lonely, work out. If you're stress and mad, work out. After mag-warm up bumaba na ako para gawin ang ibang routine. Nag-goblet squat at at in and out squat bago nagpahinga saglit. Naupo ako sa gilid at uminom ng kaunting tubig. Naupo naman si Fourth sa tabi ko. "How are you?" "F

