YEARS LATER... Mula sa malayo ay tanaw ko na si Myrrh kasama ang mga batang katutubo. Galing sila sa may gubat, kasama ang ilang mga matatanda. Nanguha sila ng mga gulay at prutas roon. May hawak naman na ligaw na bulaklak si Myrrh. "Mommy, I got you a flower!" tili nito nang may ilang metro na lang ang layo nila sa kinatatayuan ko. Tuwang-tuwa ang aking anak habang winawagayway ang kaniyang kamay. Tinakbo niya ang aming distansya kaya pinagsabihan ko siya, "be careful, baby!" Nang madapa siya, agad siyang tumayo na parang walang nangyari. "For you, Mommy." "Wow! Ang pretty naman ng flowers." Kinarga ko siya at agad naman niyang sinuksok sa gilid ng aking tenga ang bulaklak. "Ang pretty mo din, Mommy." "That's why you're pretty too." She giggled and gave me butterfly kisses

