01
ZAYANNAH AVERAL POINT OF VIEW
"Ate!" pag tawag ng nakababatang kapatid kong si Ryle.
Hindi naman niya ako tinatawag na ate madalas, kapag nasa school kami Aya lang ang tawag sa akin n'yan. Ayaw n'yang malaman ng school mates namin na mag kapatid kami dahil loner daw ako. Kaya ako na nag nag adjust at lumipat na ako ng school.
"What?" I replied and look back at him. Nag lalakad na kasi ako pasakay sa kotse dahil papasok na ako sa school. Sinenyasan ko muna ng 'wait lang' si manong Roel.
"Ate 'di ba maraming magaganda do'n sa school mo? Pupunta ako do'n mamayang lunch!" aniya na nakapag pabuntong hininga sa akin. Gagawa lang s'ya ng scene do'n. Seriously talking my brother looks like a kpop star.
"Bahala ka," sagot ko lang at nag punta na sa sasakyan. Ayaw kong pag hintayin ng matagal si kuya Roel.
"Ma'am saan na nga po ang school n'yo?" nakangiting tanong ni kuya Roel na napakamot pa sa batok. Natawa ako ng mahina at ibinigay sa kaniya ang location.
HANSON ACADEMY
"Thanks kuya Roel. Hindi mo na ako kailangan sunduin after class," paalam ko at tumango naman siya. Si kuya Roel ang parang naging tatay ko na. Noong mga panahong wala akong malapitan ay sa kanya ako umiiyak at humihingi ng advice.
Hindi ko pa masyadong kabisado ang lugar dahil transferee ako, I look around. Alam ko naman ang daan patungo sa classroom ko kaya 'yon na lamang ang ginawa ko, nang pumasok ako ay nag simulang mag bulungan ang lahat.
Yeah. Here we go again.
"S'ya ba yung transferee galing sa Athena High?"
"Ang ganda n'ya."
Ilan lamang iyan sa mga bulong nila na narinig ko naman. Yes, I am from Athena High. And my looks? I don't think I'm pretty.
The prof came in that's why nag stop na sila sa pag bubulungan. Sinenyasan ako ng prof na lumapit sa harap kaya ginawa ko naman.
"Please introduce yourself," nakangiting sabi ng prof. Tumango ako at nag pakilala.
"Zayannah Averal, 17 transferee from Athena High," tipid na pag papakilala ko at naupo na. Ayaw ko na malaman nila kung sino ang tatay ko.
"Queen Selena, please tour her around on lunch time," utos pa ni prof sa babaeng tinatawag nilang queen. Siguro s'ya ang president ng class. Agad akong nag taas ng kamay upang tumutol. "Yes Ms. Averal?"
"I can handle myself. My brother and I will be eating lunch together," tipid na sambit ko at napatango tango naman si sir.
"Well, may kapatid ka pala dito? Anong grade?" he asked again. Kailan ba matatapos ang kakatanong?
"No, he's from Athena High. He said he wanted to visit me, that's why."
Tumango-tango na lamang ang prof. At finally nag star na siyang mag turo.