ROSE POV *Moan* Napadilat ako ngunit puti lamang nakikita ko sa paligid. walang gamit o kahit ano. "Rose!" napabaling ako sa aking likuran ngunit wala namang tao. "Rose!" tumingin ako kaliwa't kanan pero walang tao! "Rose!" napatalikod muli ako ng makita ko si Nanay at Tatay Nakangiti ako habang umiiyak ng makita sila ngunit parang di sila masaya ng makita ako, nanatili sila na hindi nakangiti at nakaakbay lamang sa kanya si Tatay. "Nay! Tay!" sigaw ko at tumakbo ako palapit sa kanila ngunit nagulat ako ng bigla silang umapoy! "NANAY! TATAY!" Iyak ko nakita kong lumuluha si nanay at tatay.. "bakit anak? bakit mo ito nagawa samin?" Tanong ni tatay na ikinataka ko. tumakbo ako palapit sa kanila ngunit sa tuwing lumalapit ako parang sila ang lumalayo! "Anak, sumama ka na sa kan

