CHAPTER 20 KAHIT hindi naman sila mag-asawa, pakiramdam ni Syrene ay nag-honeymoon na rin sila ni Clint. Paano ba naman kasi, halos buong magdamag na siya nitong hindi tinigilan. Kahit noong nakabalik na sila sa kuweba, ilang beses pa ulit siya nitong inangkin. Ilang beses itong bumubulong ng matatamis na mga salita sa kanyang tainga hanggang sa nakatulog na lamang sila. Pakiramdam niya nga ay mas lalo siyang mahihirapang makalakad dahil bukod sa sugat niya sa paa, mukhang magang-maga na rin ang kanyang ibaba. Hindi biro ang laki nito at ang bilang kung ilang beses nilang pinagsaluhan ang init ng mga katawan. Pero wala siyang pinagsisisihan. In fact, hindi na niya maalala kung kailan siya huling naging ganito kasaya. Wala pa ring rescuers na dumating noong araw na iyon ngunit nat

