PIGIL NA PIGIL ni Syrene ang mapaluha sa inis habang pabalik sila ni Reina sa girl’s comfort room kung saan nila iniwan ang kanilang uniform kanina. Tahimik lamang ito sa tabi niya habang panaka-naka siyang tinitingnan. Nang makapasok na sila sa loob ng CR, wala na roon sina Brenda at Olga. “Ayos ka lang ba?” mahinang tanong ni Reina. Nakalarawan sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Humugot siya ng malalim na hininga at tiningnan ito mula sa salamin. “Reina, puwede bang huwag mo nang iparating sa iba ang nangyari kanina?” Agad itong tumango. “Oo naman. Atin-atin lang ‘yon.” She felt grateful for her classmate. Maarte ito kung tingnan pero at least hindi siya pinagtatawanan ngayon. Bumuntong-hininga si Reina at tiningnan ang sariling repleksiyon nito sa salaman. “Alam ko nama

