FINAL CHAPTER PART 2

2553 Words

Hannah's Point Of View Nakarating din kami sa Hacienda Alfonso para dakpin sina Darwin at Cedes. "Nariyan ba sina Cedes at Darwin?" Tanong ko sa matandang lalaking hardinero. Tumigil ito sa pagdidilig. "Naroon po sa pool sa likod. Sino po sila?" Inilabas ko ang badge ko at ipinakita ko dito. "Mga pulis kami." Nilingon ko sina Donnel at Winston, saka sinenyasan ang iba pa naming kasamang pulis. Nagsimula na silang maglakad patungo sa likuran ng Hacienda. "Donnel, pakihanap ang bata. We need to keep her safe." Instruction ko kay Donnel. "Yes, Ma'am." Sumaludo muna si Donnel bago lumakad patungo sa loob ng bahay, kasunod ang dalawa pang pulis. "Tara na, Winston." Sumunod kami sa mga naunang sampung pulis para puntahan sina Darwin at Cedes. Naabutan namin ang dalawa na nagkakasayahan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD