Wesley's Point Of View Ligtas na ang bata at dinala na sa ICU, sumunod doon ang pamilya nito. Narito pa rin kami nina Donnel at Victor sa tapat ng emergency room, naghihintay sa resulta ng operasyon kay Hannah. Lumabas ng emergency room ang doktor na nag-operate kay Hannah. Nag-aalalang lumapit ako agad. "Doc, kamusta po si Inspector Hannah Delgado?" Inalis ng doctor ang face mask niya. "She's fine. Marami lang nawalang dugo pero blood transfusion lang ang kailangan. Walang tinamaan na vital organ. She just needs to rest and off from work. Baka bumuka ang sugat. Medyo malalim din ang pagpapakabaon ng bala, mukhang malapit ang distansya ng pagkakabaril sa kanya. Maiwan ko muna kayo." Tumalikod na ang doctor patungo sa nurse station sa unahan ng hallway. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi

