[Eve's POV]
"Mukhang wala kayong klase sa mga nakalipas na araw." Ani Jacob habang tinutulungan si Sir Alaric sa pagbuhat ng bagong dating na mga bowling balls.
"It's the intramurals."
"Wala kang sinasalihan?" Tanong niya.
"It's the Regionals, hanggang District lang ako." Sagot ko at tipid na ngumiti. Napayuko ako at inabala ang sarili sa pagpupunas ng mga bola.
"That's why I'm always here, flourishing my skills." Tinaas ko ang mga mata sa kanya pero mabilis ding napayuko dahil nakatitig na ito sa akin habang nakapameywang.
"Yeah, I can see that. You're good."
"Not really."
"You're good, Eve, but quite stiff." Sabat ni Sir Alaric, isa sa mga Coach dito sa Lighthouse.
"I know..." bulong ko bago tumayo at pumunta na sa may benches para makapagpalit ng sapatos. After tying my shoelace, I stood up and started walking towards the hand drier. I started drying my hands dahil bahagya itong pinagpawisan.
Tumingin ako sa gilid ko at nakita si Jacob na nakangiti habang nakahalukipkip. Mabilis akong umiwas ng tingin, takot na baka mahalata niya ang pamumula ng mga pisngi ko.
Kumuha ako ng bola at napabuntong-hininga nung maipasok ko na ang mga darili ko. I looked at the ten-pins at the end of the alley.
Nasira ang concentration ko at nadisturbo nung makarinig ng mga boses. Lumingon ako at nakitang pumasok ang isang grupo ng mga estudyante. Nasa walo sila, tatlong babae at limang lalaki. Base sa kanilang uniporme ay mga Senior High students sila at taga-VVC.
Nakaramdam ako ng hiya nung mapansin nila ako. Nagdadalawang-isip ako kung ipapadulas ko pa ba ang bola patungo sa mga pin.
Napakagat ako ng labi at napagdesisyunang ibalik na lang ang bola sa may ball holder.
"Ba't hindi ka naglaro?" Nagulat ako nung maabutan si Jacob na nakatayo sa tabi ng ball holders.
"M-mamaya na," sagot ko at nakayukong ibinalik ang bola. I was caught off-guard and I suddenly want to panic when he held my wrist.
"Come on, huwag mo silang pansinin. Sa akin nakatingin ang mga 'yan." Ngumisi siya at kinandatan ako. Lumingon ako muli sa mga estudyante at mukhang maglalaro sila ng billiard. Napansin kong pasulyap-sulyap ang mga babae kay Jacob habang ang mga lalaki naman ay busy sa pag-arrange ng mga bola sa billiards.
"See?"
Binitawan na niya ako bago inuwestra ang alley. Napakagat ako ng labi at kinuha muli ang bola.
"I guess the reason why you are stiff, Eve, it's because you're always distracted by the things around you." Ani Sir Alaric habang pinapanood akong uminom ng tubig.
"I can't help it, Sir. People-pleaser kasi ako."
"Well, the moment you stick your fingers inside the ball, your mind should be set in the game. Pahinga ka muna, I'll get back to you." Umalis siya nung tinawag siya ng isang matandang player na mukhang chinese. Bumuntong-hininga ako at binuksan ang phone.
"Friends mo?" Agad akong napangiti nung marinig ang boses ni Jacob. Kasama ang mga kaibigan ko ang wallpaper ko kaya niya siguro napansin.
"Yeah, they are athletes too." Sagot ko nung makaupo na siya sa tabi ko.
"See that? That's Adelaide but we call her Lea. I really admire her. The moment she step inside the court, her mind is focus on only one thing... winning. Nakakatuwa siyang panoorin. We all love watching her play. Makikita mo kasi na sobrang nag-eenjoy siya at hindi iniisip ang pressure. Kahit mga college students ang kalaban niya, go lang siya tas kapag natalo, happy pa rin." Nakangiti kong kwento habang nakatitig sa mukha ni Lea. She's the smallest among us and the most passionate.
I love her light chestnut brown hair and her eyes! oh my, her beautiful eyes are something too. Her eyes remind me of so many things. A freshly brewed coffee, a well-flourished wooden door, and it turns into brownish gold whenever I stare into her eyes under the sunlight.
Her eyes also remind me of the dawn and dusk. It reminds me that both the beginning and the end can make you feel the same thing... hopeful.
"What sport does she play?"
"Lawn Tennis."
"What about them?" Turo niya sa dalawang lalaki sa litrato.
"That's Eion and Ron. They both play badminton. Eion used to be a volleyball player pero pinaalis siya."
"Mmm? Bakit?"
"Masyadong ma-pride at bossy. Wala siyang nakakasundo sa team mates niya. Whereas Ron is naturally good in badminton even though he doesn't enjoy much."
"Really, then why does he play?" Nakakunot ang noo na tanong niya. Hindi ko maiwasang matuwa dahil interesado siya sa pakikinig.
"Gusto ng parents niya."
"Mabuti at wala kang nagustuhan sa kanila. They look handsome." Mabilis akong napailing sa sinabi niya.
"And they are idiots." Tumawa ako.
"And this one is Pierce, Persephone Hazel is her real name. I feel safe when I'm with her. Matapang kasi siya at obviously, mataray. " Tumawa kaming dalawa dahil bahagya pang nakataas ang kilay ni Pierce sa litrato. Nakaakbay siya sa aming dalawa ni Lea. Napakaliit naming tingnan kapag siya ang katabi namin ni Lea. Si Pierce and pinakamatangkad sa babae pero si Eion sa aming lahat.
"She swim. Magaling sa lahat ng strokes pero butterfly ang pinakapaborito niya."
I adore Pierce. She has a long hair blacker than the ebony window frame. She has long natural eyelashes that adds to her sophisticated look. She just naturally look so mean. Well, she is at pasalamat na lang ako na kaibigan ko siya.
"She's a walking red flag though. Kapag may ginawa ka lang na mali, hinding-hindi ka niya papatawarin. Even if you try to make things right, hindi magbabago ang kung ano mang pagtingin niya sayo. That's why no one messes with Pierce or with us, her friends. I am lucky to be surrounded with these people."
Jacob smiled sweetly while listening. Palipat-lipat ang tingin niya sa phone at sa akin.
"They are also lucky to have you as their friend. You're humble and kind. Maasikaso rin at mapag-alala." Napakagat ako ng labi dahil sa kanyang turan.
"I feel safe... and insecure around them. Sa aming magkakaibigan, ako lang 'yung mahina at hindi magaling. Kapag naglalakad kami around the campus, nararamdaman ko na parang anino lang nila ako. No one seem to notice me." Napayukong ani ko.
I flinched when Jacob messed with my hair. I heard him chuckle as he gently pat me on my shoulder, parang nakaakbay ito kung titingnan.
"People notice and admire you. You don't believe in yourself enough, that's why you feel insecure. You shouldn't be. Paano mo makikita na hinahangaan at pinapanood ka nila kung parati kang nakayuko? You can never see the real thing out there if your eyes are always fixed on the floor."