Para akong nabato pagkatapos kong marinig sa kanya ang lahat. Hindi ko alam kong anong dapat kong sasabihin at ano ang dapat kong maging reaksyon. Basta ang alam ko nanginginig ako ngayon. Natameme ako. Nasa kaibuturan ko ang saya,lungkot,hinanakit,paghihinayang, at higit sa lahat pagka galit. "S-sabihin m-mo nga na nag jo-joke ka dahil tatawa talaga ako " tumawa pa ako ng mapakla habang pa iling-iling ng ulo "I'm not joking Reish------" "Hindi Reisha ang pangalan ko, Zianah! Zianah!" singhal ko Nanginig na talaga ako sa nalalaman ko. Kulang nalang luluhod ako sa semento dahil sa sobrang panghihina. Parang di yata ako makapaniwala sa nangyayari sa buhay ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. "Alam ko na naguguluhan ka pa sa mga nangyayari pero maniwala ka. Nagsasabi ako ng totoo.

