"Kyaaaaaaaahhh!" Hindi na ako nagulat nang panay sigaw ang dalawang kasama ko ngayon dahil sa kilig. Kinikilig sila dahil daw sa wakas kami na raw ni Rondell. "Sabi ko na e. May gusto si Rondell sayo, Zia. Kyaaaaah kinekeleg ako ano ba yan" tili ni Lhaila habang pinalo-palo pa kaming dalawa ni Addison "May nabubuo ring Ziandell sa wakas" sigaw rin ni Addison. Nag tatalon pa silang dalawa sa sobrang saya. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at halos gusto ko nalang lamonin ng lupa dahil sa kahihiyan. Lahat ng mata ng studyante nasa aming tatlo "Kyaaaaaahh ZIANDELL!! ZIANDELL!! ZIANDELL!!...ZIANDELL FOREVER!!" Ano ba yan, para naman itong mga eng-eng ang lakas sumigaw. Naka kuha na sila ng attensyon ng mga tao. Ilang beses na ba akong napahiya ngayong araw . "Excuse me pwede mag

