Chapter 14

1539 Words
**** Mira's PoV **** Mabilis lang ang naging byahe ko.. nang nasa taxi ako papunta rito sa piyer ay nag iwan na ako ng mensahe kay Jonna.. I know sa mga oras na ito o mamaya lang ay malalaman na nito ang pag alis ko.. I hope that this sacrifices may help a lot of people including my loveones.. Hindi naman ako mag isang mamumuhay sa bahay ko sa Bora because I left with my baby.. Yes ang regalong dapat ibibigay ko kay rey ay isang maliit na box na may laman na PT.. Pero hindi na iyon mangyayari dahil kailangan namin mag sakripisyo ng anak ko para sa mas ikabubuti ng nakararami.. I know na hindi sapat ang pera na winithdraw ko pero mag iisip ako ng pwede kong pagkakitaan kapag nakarating na ako sa bahay ko.. I turned off my phone pag katapos ay sumakay na ako ng barko.. Habang umaandar ang barko ay hinaplos ko ang aking tiyan "I'm really really sorry baby if mommy have to do this.. we need to sacrifice our own happiness for the sake of others happiness" alam ko darating ang araw na hahanapin mo ang tatay mo at sa panahon na iyon ay hindi ko ipagkakait na ipakilala sya sayo.. Malamig na hangin ang bumungad sa akin pag baba ko ng barko.. kailangan ko pang sumakay ng trycicle patungo sa bahay ko naroon na si Nanay Gemma na siyang matagal ko nang Care taker nasabihan ko na siya na darating ako.. After half hour na pag byahe ay nakatayo na ako ngayon sa tapat ng aking bahay.. bahay na malapit sa dagat.. actually tanaw ang dagat sa veranda ng aking kwarto sa taas.. it is a two storey house na may malawak na bakuran.. wala ito sa listahan ng aking SalN because mommy said na balang araw kakailanganin ko ito.. I didn't know na sa ganitong paraan ko pala ito kakailanganin sa pagtakas sa lahat.. I know mahirap pero alam kong kakayanin ko rin.. Namin ng anak ko.. Anak.. sigaw ng isang may edad na na ginang.. Nay Gemma salubong ko rito.. may roon na siyang maliit na bahay sa likod bahay ko ipinatayo ko yung para sa kanila ni Tay Rene ang asawa nya kasama ang isa nilang anak na si Ana.. Kamusta ka iha?? tanong ni Nay gemma matapos abutin ang aking duffle bag.. Ayos lang po Nay.. kailangan ko lang po ng bakasyon.. saad ko.. batid nito na may pinag daraanan ako kaya't hindi na ito muling nag tanong. Halika na at nag luto ang tay Rene mo ng Sinigang na hipon at gumawa naman ng buko pandan si Ana pasok na tayo aya nito.. Once a month akong dumadalaw dito para mag hatid ng pera kay Nay gemma sa mga gastusin ng bahay at para makapag pahinga na rin.. I always make sure na hindi mapapabayaan ang munting regalo ni Mommy sa akin.. Ate Hope.. takbo ni Ana sa akin sabay yakap.. Naku Ana dalaga kana ang laki laki mo na.. High school na po ako ate malapit na po ako mag kolehiyo.. sagot nito.. Ganun ba?? sayang naman at dito na ako titira hindi na kita madadala sa manila gaya ng pangako ko sayo na maka pag kolehiyo doon.. sagot ko. Ok lang po yun ate ang mahalaga po sa akin ay makatapos hindi bale kung sa maynila o rito sa Bora.. Ohh siya tama na ang kwentuhan kumain na tayo at handa na ang hapag kainan.. Sambit ng kalalabas lang na si tay Rene sa kusina.. Tay.. mano po.. saad ko sabay mano.. sus talaga itong bata na ito.. akala mo naman ginagawa akong matanda na e matigas na matigas pa itong tuhod ko.. biro pa nito.. Tama na nga yang biruan ninyo at mag si upo na kayo ng makakain na tayo at lalamig ang ulam... sabad naman ni Nay Gemma.. We ate while sharing stories to each other nabanggit ko sa kanila ang lahat kilala ko naman sila Nay Gemma at Tay Rene pati ang sitwasyon ko na banggit ko rin.. Naku kailangan pala natin mag luto ng mga masusustansya Rene at mag kaka apo na pala tayo sa panganay natin saad ni Nay Gemma.. Kaya nga inay dapat marami na tayong mga prutas lagi para healthy ang pamangkin ko pag labas.. Ay naku ayos lang ho ako.. nga pala nay plano ko ho mag tayo ng maliit na negosyo dito para hindi po tayo ma zero nay hindi ko na ho kasi pwedeng galawin ang mga bank account ko dahil baka matunton pa ho ako nila kuya saad ko.. Nay paano po kaya kung gawin nalang natin na stay cation ang bahay sa likod nay at dito na po kayo sa akin tumuloy para may kasama po ako saad ko.. mayroon akong dalawang kwarto sa baba at dalawang kwarto sa taas kakasya kami rito.. Ay magandang ideya yan anak.. wala naman sa amin kung saan kami titira ang mahalaga ay may masisilungan kami sagot ni tay Rene at saka tay ipagagawa ko muna para maipataasan at gagawin ko hong apat na kwarto para mas malaki ang upa ng mga turista pag tapos nitong pasko dagdag ko pa.. Tatawagin ko si Sir. Cris para maka kuha tayo ng tao na gagawa dyan kung ganoon at malaman na rin natin kung mag kano ang magagastos sabi ni Tay Rene.. Sino pong Cris tay? tanong ko rito. Siya nga pala ang kakilala namin na engineer nakilala namin sya tinulungan nya si Ana ng kamuntikan ng malunod dyan sa dagat sakto naman na ginagawa iyang Villa Esperanza sa kabila at siya ang Taga pamahala.. sagot muli ni tay Rene.. I saw how Ana's face turn red.. pero hindi ko na lamang pinuna.. Okey po tay sana po kasya ang pera ko sabi ko rito.. siya nga po paka tay.. dito na ho kayo matulog dalawa ang kwarto sa baba isa ho para kay ana at isa sainyo ni nay Gemma maaari na rin ho ninyo ilipat ang mga gamit ninyo naka ngiti kong ani bago mag paalam na aakyat na upang maka pag pahinga.. Lumapit sa akin si Nay Gemma at hinawakan ang aking mga kamay Sige anak huwag kang mag alala hindi ka namin iiwan sabi nito sabay akap sa akin.. Mauna na ho ako nay at mag papahinga na rin ho ako sabi ko dahil namamasa na ang gilid ng aking mga mata.. Nang maka akyat ako ay nag mamadali akong pumunta sa aking closet marami akong mga damit dito na iniwan kaya't wala akong problema pati gitara at mga iba pang gamit ay meron rin ako rito.. ang mga koleksyon ko ay dito ko inilalagay.. kinuha ko ang bag na dala ko at isa isang inilagay ang laman nito sa aking closet.. Kinuha ko ang damit pantulog ko at nag tungo na sa banyo upang maligo bago matulog at maka pag pahinga bukas nalang siguro ako mag lalakad lakad at mag papatingin sa clinic mag papasama nalang ako kay ana piping usal ko pa.. Nang maka tapos sa pag ligo at pag asikaso ng skin care ay humiga ako sa aking kama hindi ako mabilis na naka tulog at nanatiling dilat ang mga mata.. I hope na maging masaya si Rey at tanggapin na hindi talaga kami para sa isat isa.. Kung sakali man na pag tagpuin kami balang araw sana sa araw na yun ay natanggap na namin ang naka takda at sa araw rin na iyon ay hinding hindi ko ipagkakait ang aming anak piping usal ko.. I hope mag kasya ang pera ko buti nalang at bumalik ako sa bangko para dagdagan ng limang million pa ang pera na iwinithdraw ko.. Dito sa Isla Bughaw ako muling mag uumpisa sa aking buhay kasama ang aking anak saad ko sa aking isipan.. Siguro sa mga oras na ito ay hinahalughug na nila ang lahat ng pwede kong puntahan I know kuya also Rey hindi yun makikinig sa sinabi ko sa mga sulat sa kanila na wag na akong hahanapin.. Lalo na ang mga kaibigan ko Si Jonna sana maging masaya na sila ni kuya at wag nang mahirapan pa sa kanilang relasyon tutal ay wala naman na ako.. Si Amy,Larah at Kc na hindi din pahuhuli kapag may problema ako.. I hope their happiness too.. at si Yesha na alam kong pipilipitin ang ulo ko kapag natagpuan ako dahil diko pina alam sa kanya ang lahat ng plano ko.. We both promise na kapag may problema ako ay siya ang tatakbuhan at masasandalan ko at sya naman ay dadamayan ako.. pero heto ako nag paka layo layo ng wala kahit sinong may alam kung nasaan ako.. I know maliit ang mundo pero tama na muna sa akin ang manatili sa tahimik, mapayapa at hindi magulong mundo ko rito sa Bora.. Ano kaya ang magiging gender mo anak?? piping tanong ko habang hinihimas ang flat ko pang tummy I am five weeks pregnant now.. Pero kahit ano pang maging gender mo lagi mo lang tatandaan anak na Nanay will always love you no matter What.. balang araw makikilala mo rin ang Tatay mo saad ko sabay ngiti.. Maraming mga bagay pa ang naisip ko bago tuluyang lamunin ng antok..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD