Aya has no recollection of what happened yesterday after Vince’s mother came and confronted her. Mabuti pa sana kung sinabuyan lang siya nito ng malamig na tubig o inabutan ng makapal na sobre, pero hindi. That old woman has certainly no idea how to make a deal with someone. Pero believe siya sa galing nitong mang-insulto. Nabuklat nito ang pinakatagong pahina ng buhay niya. Akala yata nito ay hihiwalayan niya si Vince sa gano’ng taktiko nito. Hindi lang niya matanggap ang salitang binitiwan nito sa kanya. Kesyo baka matulad daw si Vince sa tatay niya na sinadyang pabayaan ng ina niya para lang makapaglanding muli. Hindi niya na nga nagawang ipagtanggol sa mukha nito ang ina. Bakit pa? Halos totoo naman kasi ang sinabi nito. Kahit na hindi man sinadyang pabayaan ng ina niya ang a

