Hindi alam ni Aya kung bakit kailangan niya pang magising noong mga sandaling ‘yon. Agad-agad bumalik sa kanya ang nakalipas na aksidente kaya naman hindi niya maiwasang humagulgol sa kinahihigaan. “Bish, tahan na.” Doon lang niya napansin na may kasama pala siya. Napaupo siya nang marinig si Jane. Lumapit ito sa kanya at agad naman siyang niyakap. “Kailangan mong magpakatatag.” Binalik naman niya ang yakap dito dahil alam niyang kailangang-kailangan niya nang masasandalan sa mga sandaling ito. “Is he okay?” pag-aalala niya. Narinig niya ang malalim na paghinga nito. “He’s still unconscious, bish.” “It’s Aya,” pagpapa-alam niya rito. Agad naman itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at maanghang tinignan ang mukha niya bago ito umupo sa tabi niya. “How did

