NASA BYAHE si Shan at Carila pa-uwi. Ihahatid ng binata si Carila sa bahay ngmga ito. Hindi na nito ginagamit ang sasakyan na bigay niya. Ang kapatid nitong si Cage na ang gumagamit noon. Mas gusto naman niya iyon, mas na babantayan niya ang nobya. At dahil traffic sa Edsa na stuck sila sa may Estella. “Shan, napamigay na iyong invitation letter.” Nakatingin sa ipod nito si Carila. Napasulyap siya sa nobya. “That’s good to hear. Everything is on a track, right?” “Oh…” Ngumiti siya. Nitong nakaraang buwan ay wala na siyang naririnig na pagtutol sa nobya sa kasal nila. Mukha naman tinanggap na nito na ikakasal talaga ito sa kanya. Ganoon naman talaga si Carila, sa una ay makikipag-away sa kanya at kapag alam nitong wala itong laban sa mga desisyon niya ay papayag na din at hahayaan na l

