CHAPTER THIRTEEN

3318 Words

NATATAWA SI Shan habang nakamasid kay Carila ng mga sandaling iyon. Nasa isang resort ng kompanya sila ng mga sandaling iyon. Kasama nila ang pamilya nito. Na-isip niyang isama ang pamilya ng dalaga. Holiday at wala silang pasok dalawa sa trabaho at ganoon din ang dalawang kapatid nito. Naka-upo siya sa isang beach bed habang ang dalaga ay nasa pool at nakikipagkulitan sa bunso nitong kapatid. “Ang kulit talaga ni Creamy.” Natatawang sabi ni Cane. Napatingin siya sa kapatid ni Carila. Ito ang sumunod kay Carila at nag-aaral ng kolehiyo. Nasa isang beach bed ito. “Lagi niya bang kinukulit ang Ate Carila niya?” tanong niya. Tumungo si Cane. “Pikon kasi si Creamy pero ayaw naman magpatalo sa kay Ate kaya ang resulta. Iyan…” tinuro nito ang ginagawa ni Carila at Creamy sa pool. Naghahabula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD