"Okay nanaman sya Ms. Castillo pag pahingahin nyo lang muna."-sabi ng doctor.
Dinala namin si Ckari sa hospital dahil sa pag kakalun9d nya kanina. Mangiyak ngiyak na ako ng d8 sya magising kanina akala ko mawawala na yung anak ko saakin.
I was so blaming myself after what happend to her. Napaka pabaya ko.
"Hija walang may kasalanan okay? Its just an accident di natin maiiwasan yun"-pang aalo naman sakin ni mama elda.
Tumango nalang ako but I'm still blaming me.
" Where's Ckari?!"-isang pamilyar at malakas na boses.
"Hijo calm down. She's okay now."
"Calm down pa?! Seriously?!, and you! We'll talk now!"-tumitigang matalim nyang paningin saakin.
Napatingin naman ako kay mama elda na sinusubukan akong pakalmahin.
Kinakabahan ako sa kung paano syatumingin ngayon.
Saka bat nandito sya?
Dahan dahan naman akong sumunod sakanya sa labas ng kwarto ng private room ni Ckari.
"What.the.hell.are you doing that time?!"
"T-tumawag k-kase yung friend ko na si E-rnest ka-
"Thats why?! Thats why you left the children?! Sa isang tawag lang sayo ng kalandian mo?!"
Pumàting naman ang tenga sa mga sinabi nya.
"He's just my friend Damien! Di ko sya kalandian, at wala naman akong pakealam sa Kung ano mang iisipin mo!"
"I dont care of you also! Its just bakit mo pinapabayaan ang anak ko?! Just remember, mày anak ka na. Wag mong unahin ang libog mo!"-then he walks out.
Sobra akong nasasaktan sa mga sinabi nya. Libog ko? Sa sobrang libog ko papatulan ko pa ang bakla? Nakaka bwisit na utak yang meron sya.
Dapat di na ganito. Dapat na dala na ako. Tanga tanga nanaman ako eh.
"Ma-mama."
"You're awake princess. God! Are you okay?"-alang-alala nitong boses.
Di ako maka lapit kay Ckari dahil nandon sya. Kahit tinitingnan ako ng anak ko ngayon at alam kong gusto nya at kailangan nya ako di ako maka galaw 0ara puntàhan sya.
"Mama. Gusto ko si mama, papa."-paiyak nitong sabi.
Kaya naman dina ako naka tiis at pumunta na lamang ako doon. Di ko naman inalala ang presensya nya.
"Andito na si mama be."-niyakap ko naman nito.
Tumulo naman ang luha ko.
Feel ko talaga na napaka pabaya kong ina para sakanya.
"Sorry baby. Sorry dahil napabayaan ka ni mama ha?"-bulong ko dito.
"Mama wag ka nang mag cry please."
Pinahid ko naman ang aking luha at ngumiti sakanya. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
"Okay kana ba? May masakit ba sayo?"
"Opo ma. I'm okay. Wala naman pong masakit sakin ma eh."
"Papa."-saka lamang nya ito tinawag. Lumayo naman ako ng bahagya ng akma na itong uusod sa kama ng anak nya.
"Hey."-hinalikan nya ito sa noo.
Napag disisyunan ko namang bumili ng makakain namin dahil di pa nga ako nakapag lunch kanina.
"Mama san ka punta? Wag mo kaming iiwan ni papa."-napa tigil naman ako sa lintanya ng anak ko.
Ngumiti naman ako dito bago maka labas ng pinto.
"Bibili lang si mama ng food natin be babalik naman ako agad."
Naka lipas ang ilang oras, naka labas din si Ckari sa hospital at inuwi na namin sya.
"Eiren sorry talaga dahil di ko nabantayán si Ckari nung nasa pool ikaw pa tuloy áng napagalitan ni kuya."
"Ah okay lang yun Ed, di naman kase talaga dapat ang nag bantay sakanya. Obligasyon ko yon."
"Kahit n-
"I told you already right? Walang dapat sisihin! So stop it. Kahapon pa yang eksenang yan naririndi na ako."-
"Ma naman don't be mad."-nilambing naman ni Edmond si mama.
Sabi na nga ba eh dakilang mama's boy.
"I'm not mad I'm just annoyed."
"Ánd Eiren."
"Yes, ma?"
"Anong mga sinabi sayo ni Charlie kanina?"
"A-ah wala po yun, na-nag usap lang po kam-
"Don't hide it Hija. Narinig ko lahat, gusto ko lang itanong ulit sayo."
Pero hindi parin ako nagsalita dahil magulang nya parin yun.
"Hindi ko alam kung panong nasabi nya yun sayo. I'm so sorry for that Eiren."-at inalo naman ako nito.
"You don't need to say sorry ma. Okay lang po yun."
"Don't let him do that to you always Eiren. Labanan mo sya. Kahit anak ko yan di ko gusto ang ugali nyan."
Ngumiti na lang ako at ipinag-patuloy ang pag-tulong mag luto.
Di ko nga alam kung mag-kakaayos pa kami nun eh. Ma-pride yun at lalo na ako.
Mabubuhay naman yata ako kung si Ckari lang ang aalalahanin ko diba? Di ko kilangang luhuran pa sya kung ayaw nya talaga sakin.
Kinain ko talaga ang sinabi ko na gagawin ko ang lahat para sakanya.
Napaka hangin dito sa may balkon.
Buti at napatulog agad si Ckari dahil gusto ko din mag relax muna.
"Why you're still awake?"unknown voice aired.
Nilingon ko naman ito.
There he comes.
Gugustuhin ko nalang na pumasok sa kwarto namin ni Ckari at matulog nalang. Pero still I don't manage to, ako ang nauna dito sa terrace kaya sana umalis alis sya at ayaw ko muna syang kausap.
"If your silence is about what happend earlie- I don't have to say sorry to you."
"Well, di ko naman inaasahan yun."-sagot ko habang nakatingin lang sa malayo.
He's holding a glass of wine I thought and there, he sips it.
"I hate the fact na pinapabayaan mo ang anak ko."
"Hindi ko ginusto ang nangyari jung yun ang ipino-point out mo. Anak ko yun di ko ginustong malunod sya, kahit kelan di ko sya gugustuhing masaktan. Anak ko sya at ni minsan di ko inisip na pabayaan sya, ni hindi ko na iniisip ang sarili ko para lang sa kapakanan ng anak ko! At para sabihin ko sayo di ako katulad mong iresponsable, makasarili at walang pus-
I was stop when I suddenly feel that I was hit by his heavy hand.
Masakit sa pisikal pero mas lalong masakit pag dinali na ng emosyon.
He is the only person did that to me. Ni minsan ang mga magulang ko di ako napag-lapatan at napag-buhatan ng kamay.
How he can manage to do this to me?
Nag-uunahan namang tumulo ang mga luha galing sa mata ko.
Tinitigan ko syang saglit and I just feel my feet walking with its own. Parang wala sakanya ang ginawa nya sakin.
Ganon ba talaga ako ka walang kwenta para sakanya?
Masakit.
Sobrang sakit.
Akala ko magiging masaya tong getaway na to. But, what? I think gone worst for ME...
"M-mama. Wake up."
"Hmmmm."
"Its already a good morning for us ma."
"Uhumm?."
"Get up na mama tinatawag na tayo ni lola."
"O-okay baby. Just give mama a minute. Gutom ka na ba?"
"Di pa naman po. Pero mama bat dito ka nag sleep sa room ko diba dapat together kayo ni papa sa isang room?"
"A-ah yun ba? Wa-wala lang gusto lang kitang katabi bakit ayaw mo na ba kay mama?"-umakto naman akong malungkot.
Pero sa totoo lang, malungkot talaga.
"Di naman po mama I'm just asking. Why swollen eyes you got mama?"-at umupo ito sa kandungan ko.
Nag hanap naman ako ng rason sa isip ko. Wala kase talaga akong lusot sa batang to eh.
"A-ah, nag karoon lang si mama ng bad dreams last night kaya baka nag-cry ako dahil dun."
"Really? Whats the bad dream about?"
"Ah kase ganito yun. May isang bad guy umaway saakin sa panaginip ko, kaya pati ikaw he try na kuhanin ka nya sakin kaya iyun nag-cry siguro ako kase kukunin ka nung bad guy sakin"-kwento ko pa at mukhang kunbinsido naman ang bata.
If you only knew Ckari.
"Ate Eiren pinapatawag na po kayong dalawa ni Ckari sa baba."-bigla namang sulpot ni Amara. Naka pajamas pa ito at halatang mahilig sya sa princesses.
Well, mostly naman na little girls ganon.
"Okay Mara mauna na muna kayo ni Ckari okay lang ba yun? Baby sama ka na kay ate Amara mo sunod nalang ako."
"Okay mama."
Pag-alis ng dalawa, saglit naman akong pumasok sa bathroom and do my rituals ng mapatapat ako sa salamin.
Kaya ko syang pakisamahan para sa anak ko, but not for me this time.
Damien
She's the only woman I've been waiting for for just fvcking 5 years.
And now that I've found her she's trying to make me feel that I'm just her mistake. I didn't intended to hurt her, I just said that because I'm upset that time.
Then days had past, she left.
S-ht!
This is all my fault.
After 5 years, like what I've said I found her. I was so happy and greatful because she's not alone when I found her.
Yes, I'm happy but I can't express it physically.
We have a daughter.
Ánd that makes me feels like I'm alive again. I had my seed already.
But why she didn't told me after all this years?
I'm not okay with that case. For god sake she didn't told me about my child's! Thats unfair for me.
So I did some stupid things just to make revenge to her.
A sweet revenge.....
I ask her to marry me for sake of our child but that was not yet of the whole plan.
I didn't wanted to hit her just because of my child's accident, I didn't meant it. I was not to hurt her but I can't help of being jealous to someone who's making her smile and laugh everytime when they in call. I saw the guy already.
I just do hit her because I feel that she's cheating on me at napapabayaan nya na ang anak namin because of that guy.
I felt sorry for her but I can't approach her just to say sorry for what I did.
I hope she can understand what I'm trying to say.
So sorry for her.
And I want her to know that she's just mine and alone.
I love her since then. Until now.
......
"Don't be nervous for tomorrow hija, it'll be okay. Magiging isa na kayo bukas."
Ewan ko kinakabahan talaga ako para bukas.
Wedding day na namin bukas pero di parin kame nag iimikan simula noong sinampal nya ako ma-pride ako at ma-pride din sya and we have our own lives mag kakaisa lang kame pag dating sa anak namin.
"Ayusin nyo kung ano mang problemang meron kayo hindi maganda tingnan kung pag iisahin kayo sa simbahan na may sama kayo ng loob sa isa't isa."-nay Wini.
Nandito sila nay Wini ngayon para sa kasal namin bukas.
Napaisip naman ako. Pero di parin talaga ako makikipag-ayos sakanya ako na nga ang dehado dito eh dahil pati ang anak ko di na rin ako pinapansin syempre kampi yun sa ama nya pwes magsama sila kala nila ha.
Di nya lang alam na ang ama nya ang dahilan ng lahat ng pag-hihirap ko.
Titiisin ko sila hangga't sa hindi na nila makaya.
"Ah...ma pwede po ba akong umalis saglit babalik naman po ako."
Tumango naman si mama Elda.
Mag rerefresh muna ako.
Pero san ba pwede?
Sa bahay ni Ernesto?
Wala sya eh nasa Thailand sila dun kase ang graduation nila ng Masteral ang sosyal no?
Saka kahit naman nanjan sya at sa bahay nya ako pupunta di parin ako makakapag-pahinga sa ingay ba naman ng baklang yun.
Pero bakit kaya ganito ako? Kahit mabigat ang loob ko na papanatili ko paring mapagaan ang loob ko. Sa dami ng problema ko sa buhay isang ngiti ko lang parang okay akong tingnan pero sa loob-loob ko parang di ko kinakaya. Ganon pag iniisip ko si Ckari nawawala naman ng kahit kaunti. Its for Ckari kaya ako nag-papaka tatag wala na ang mama't papa ko para mag-pagaan pa ng loob ko kundi si Ckari nalang ang anak ko.
Pero ngayon, to the point na nasasaktan ako. Di ko alam kung san kukunin ang lakas. Parang bumabalik din ulit sakin ang lahat ng sakit na náramdaman at naransan ko noon.
Ano bang kasalanan ko? Nag mahal lang naman ako. Nag mahal lang ako at nag paka tanga.
Tutuloy pa kaya ako sa kasal?
Bigla ko nalang naisip na pumunta ng terminal ng bus at sumakay.
May isang lugar akong gustong puntahan kung saan makakapag-isip ng maayos at mag karoon ng kahit unting panahon lang na peace of mind.
I decided something.
To: Mama Elda
Mama, I'm sorry. Gusto ko po munang mag-isip please intindihin nyo po ako.
_
Sana this time malinawan na ako sa lahat.
Sorry Ckari, iiwan ka muna ni mama.
In-off ko muna ang phone ko for just 1 week lang naman.
Sana maintindihan ako ni Mama Elda at ng lahat.
For Damien, sana mag laan muna sya ng onting pasensya para saakin kahit ngayon lang.
I hope he can understand me this time. Unting panahon lang naman ang hihingin ko alam kong para rin ito sa anak namin pero kailangan ko muna talagang mag-karoon naman ng time para makapag-isip.
Di ako lumayo dahil alam kong ayaw nya naman sa ideang ikasal kame, di ako lumayo dahil nasaktan nya ako ng pisikal, di ako lumayo dahil alam kong di naman talaga nya ako mahal. Lalayo ako para sa ikakasiguradong di ko pag sisisihan ang desisyong pang habang buhay, lalayo ako para mapag-isipng mabuti ang mga bagay bagay na gumugulo sa isip at puso ko at nang maging handa sa ano mng problemang haharapin namin sa hinaharap. Lalayo ako para iwaksi lahat ng negatibo sa isip ko at para matanggap ng buong buo ang kapalaran ko.
At maging mabuting asawa't ina sa dalawang pinaka mamahal ko sa lahat.
I'd arrived at Vigan City.
Pag kakalabas ko palang sa bus parang feel ko na ang vibes na pwedeng mag-parelax sakin. Pinalibot ko naman ang aking paningin sa mga stakturang parang bumamalik sa akin sa maka lumang kultura nating mga pilipino.
May mga iilan pang naka damit baro't saya para makapag-pasaya ng mga turista, mga tindahang aakalain mong nasa 18th century ka talaga.
Ang sarap sigurong tumira dito no?
Well, susubukan kong manirahan dito sa loob ng isang linggo.
Sa mga struktura palang ng lugar na ito napapa ngiti na talaga ako at tyak na mas ikaka ngiti ko ang mga ugali ng mga tao ditong makakasalamuha ko.
Dito, kahit maraming tao napaka payapa talaga ng pakiramdam, nakaka presko sa paningin ang mga antique na mga bahay, tindahan, at mga gamit na noong mga nakaraang siglo pa ginawa.
"Ma'am hotel po?"
Napatigil naman ako at tinignan kong sino yung nang alok sakin. Isang magandang babae. Napangiti naman ako dito.
"A-áh Oo, asan ba ang mga hotels dito?"
"Halika po ma'am iga-guide ko kayo?"
"Okay."
Narating naman namin ang sinasabi nyang hotel. Well, maganda nga sya pero baka di keri áng presyo nila dito, napaka ganda at napaka sosyal kase ng aura ng hotel and antique din ito.
"Wag po kayong mag-aalala sa price ng 24 hours ma'am dahil affordable naman po dito mukha lang po talagang mamahalin ang place pero serbisyong pilipino po talaga kami kaya mura po ang aming inn. 24hrs- 780pesos is in your service."-at ngumiti ito.
"Okay. Pero parang napaka layo naman yata ng price ninyo sa aura ng place?"
"Ahm, kase po wala naman po dapat price ang pag stay dito, yun po kase is based sa suggestion ng anak ng aming boss kase para naman may free stay ang ilan sa mga bumibisita at tumatangkilik po nating kababayan dito sa Vigan, kaso kaya po nagka price ang pag stay dito kase po para daw may komisyon naman pong natatanggap ang mga katulad naming staff po dito sa loob ng Kayumihan Inn. Saka full package narin naman po ang inyong 250, meron na po kayong massage treatment, jacuzzi bathe, banana facial treatment at kung ano-ano pa po. Ah sya nga po pala ma'am meron din po kayo free filipino breakfast at kung gusto nyo po meron din po tayong fresh cow milk bathe."-ngumiti ito ulit sa mahabag pag-papaliwanag.
"Parang mag-eenjoy nga ako dito. So sige i'll take one room please."
"Sige po ma'am. Halika po."
"One week akong mag chi-check in ms...?"
"Nako tawagin nyo nalang po akong Amaya ma'am wag na pong ms."
"Okay."
Unang araw ko sa Vigan. Nag walk tour muna ako at nag hanap ng makakainan since breakfast lang ang free sa hotel san ako ng check inn.
Hahaha parang gusto ko pa yatang pati lunch and dinner free eh.
Well, maganda nga naman talaga sa hotel na yun. Kumpleto ang mga gamit sa loob ng isang kwarto at ganun din sa comfort room. Kumportableng kumportanble ang ang gawa sa kawayang kama na may malabot na foam, ang napaka lambot na unan at kumot. Pero kahit ganon di parin ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kaiisip ng dalawang taong mahalaga saakin.
Iniisip pa sila bago nag-kusang pumikit ang akong mga mata.
Bago ako nag walk tour nag pa massage muna ako kay Amaya para maa relax naman ang katawan ko na napagod talaga sa byahe. Napaka sarap sa pakiramdam ng natapos ang isang sesyon, parang ang gaan talaga ng katawan ko.
Napako ang tingin ko sa isang souvenir shop. Napansin ko agad ang isang cute na cute na grey bonnet na parang tantya ko ay bagay na bagay sa maganda kong anak.
Napangiti ako.
Naalala ko tuloy si Ckari.
Hayyy.
Alam kong kahit nag-tatampo nanaman yun pag alis ko, hanaphanapin parin ako nun.
Kamusta na kaya ang batang yun?
Tss di bale di naman papabayaan ni Damien yun.
Ngayong araw pala sana ang kasal namin. Medyo masakit isipin na umatras muna ako pero para naman to saaming lahat hindi ko ginagawa to para sakin lang. Gusto kong bago ako matali sakanya ay maalis lahat ng sakit na kinikimkim ko ngayon sa puso ko. Gusto kong pag-humarap ako at nangako ako sakanya sa altar ay buong buo ako. Walang pag-aalinlangan, walang puot at galit, walang pasisisi, walang pag-dududa at walang kinikimkim na sakit ng nakaraan.
Gusto kong maging buo ako para sakanila ni Ckari.
Sana maunawaan nya ang pansamantala kong disisyon.
Mahal ko sya, mahal na mahal. Sana mahalin nya rin ako.
Sana hintayin nya ako.