Tulala lamang si Warson habang nakatayo siya sa harapan ng kanyang mahabang salamin dito sa loob ng kanyang kwarto. Nakikita niya ang repleksyon ng kanyang hubad na katawan doon at wala siyang suot na saplot ni isa. Halata ang pamumula ng kanyang balat dulot ng kanyang matinding pagkuskos sa saan mang parte ng kanyang katawan. Pinilit ni Warson na alisin ang bakas ng ginawa ng kanyang ama na si Rodrigo. Ngunit napatunayan ni Warson na kahit anong kuskos at sabon ang gawin niya, hindi na maalis sa kanya ang mga ginawa nito. Nakakintal na sa kanyang puso at isipan ang mga nagawa nitong sa totoo lang, hindi niya matanggap at sobrang nagpapabigat sa kanyang kalooban. Hindi maiwasan ni Warson na mamuhi kay Rodrigo. Hindi niya mapigilang magalit sa ginawa nito. Naturingan niya itong ama nguni

