Inililigpit ni Warson ang mga pinagkainan ni Warren. Isa-isa niya itong pinapatong sa tray na nakapatong sa lamesa. “Salamat at nagustuhan mo ang pagkain na iniluto ko para sayo,” pasasalamat ni Warson nang tumingin ito kay Warren na hindi naaalis ang tingin sa kanya. Naubos kasi nito ang pagkaing inihanda na nagpadagdag sa tuwang nararamdaman niya. Hindi naman nagsalita si Warren. Nanatili pa rin siyang nakatingin lang kay Warson. “Oo nga pala, mapapadalas ang pagpunta ko dito para ipagluto-” “Saan ka natutong magluto?” tanong kaagad ni Warren. Umusog ito sa pag-upo sa kama para sumandal sa headboard. Ngumiti si Warson. “‘Yun ba? maraming recipes online. Madali namang sundan ang instructions kaya nagagawa ko ng magluto,” sagot niya. Napatango-tango lamang si Warren. Maya-maya ay ti

