MARIIN ko na lang ipinikit ang mga mata at tinanggap ang aking kamatayan. Kasabay niyon ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng library. “Regina!” malakas na sigaw ni Daddy na siyang dumating. Kasunod niyon ay umalingawngaw sa buong silid ang putok ng baril. “Daddy!!!” ubod-lakas na sigaw ko nang magmulat ng mata. Namataan ko siya na patuloy na nakipagbuno sa lalaki ngunit halatang higit na sanay at malakas ang lalaki. Gayunpaman ay nagawang sipain ni Daddy ang baril palayo dito nang mabitawan nito ang baril. Nanginginig ang binti ko pero pinilit kong bumangon. Tinakbo ko ang puwesto ng baril at dinampot. Halos hindi ako makahinga sa takot at ni hindi ko alam kung paano gamitin iyon. “Regina! Run!” kinakapos sa hiningang utos ni Daddy sa akin. Nais ko mang sumunod sa kaniya ay hindi ko

