NAPASAPO ako sa ulo nang maramdaman ko ang pagpitik niyon. Parang binibiyak sa sakit at maging ang tiyan ko ay umaalon din. Ano bang nangyari? Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Malambot ang kama na aking hinihigaan. Malamig din ang lugar kung kaya hinila ko ang kumot na kaybango at kaylambot. Pamilyar sa akin ang amoy niyon. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at napatulala ako nang mapagtanto kung nasaan ako. Ito ang isa sa pinakamahal na kwarto sa hotel na ito! Bakit ako nandito? Natutop ko ang bibig nang maalala ang eksena namin ni Phillip kagabi. Sh*it! Mabilis kong inilibot ang mga mata sa kabuuan ng silid. Nagmamadali akong bumangon ng kama at naupo sa gilid niyon. Ang plano ko ay mabilis na aalis ng kwarto ngunit natigilan ako nang mamataan ko si Phillip sa isang sulok na naka

