NANINGKIT ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang magkapareha na papasok sa event hall na kinaroroonan ko. I watched as the man protectively wrapped his arms around the woman.
And at this very moment, I'm wondering why that woman had to come into my life.
Muli kong itinuon ang mga mata sa babae na noon ay tipid ang ngiting ipinupukol sa mga bisita. Halata ang pagkailang niya dahil hindi siya sanay sa mga ganitong uri ng pagtitipon. Unti-unti ang pag-ahon ng aking inis habang nakatitig sa maamo niyang mukha.
Bakit si Sabrina pa? Anong mayroon sa kaniya na wala ako?
Lumipad ang mga mata ko sa katabi niyang lalaki at sa kamay nitong noon ay nakahawak sa kaniyang baywang. Parang piniga ang puso ko. Phillip, the man Sabrina is with, is the man I've been in love with for a long time. Matagal na akong lihim na nagmamahal sa kaniya ngunit kaylanman ay hindi niya ako binigyang atensyon. I feel like I'm a dangerous substance that he deliberately avoids. Magkaibigan at magkasangga sa negosyo ang pamilya namin at sa ilang beses na nakaharap ko siya ay hindi man lang niya ako napansin. I am quite popular with men, but I am almost invisible to him. Batid ko namang likas sa kaniya ang pagiging suplado, but I also knew he isn’t completely immune to a girl's charms. In fact, he dated a supermodel for two years before they split up last year. And now that he's single again, I've been working hard to catch his attention.
But then Sabrina and her mother Helena entered our lives. Dad discovered them in a life and death situation, saved them, and adopted them into our family. Now I can't help but feel like Sabrina is stealing everything I have: my father's attention, my friends, and now Phillip. Patunay doon ang atensyon sa kaniya ni Phillip ngayon at halos malunod ako sa selos.
Ayaw ko kay Sabrina at lalong lalo na sa ina niyang si Helena ngunit wala akong magawa. Sa huli ay nahulog ang loob ni Daddy dito. Today is their engagement party. And I'm not happy with my current situation. I don't want Helena to be my mother. The thought makes me sick.
Hindi ko na rin matagalan ang eksena ni Phillip at Sabrina sa harapan ko kung kaya mabilis akong naglakad patungo sa isang room na nakalaan para sa amin. Kinuha ko ang press powder at nag-apply sa mukha. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi naman ako pangit. My long, naturally wavy hair drew the attention of many men. I was blessed with brown eyes that are framed beautifully by thick lashes. My lips have a natural pout and my skin tone is somewhere in the middle, not too light nor too dark.
So, what is it that Phillip doesn't like about me?
“Oh? Bakit nandito ka? Bakit hindi mo samahan doon si Sabrina at Phillip?” Agad akong napasimangot pagkarinig sa boses ni Helena. Sigurado akong may laman ang sinasabi niya. Marahil ay napapansin niya ang mga tingin ko kay Phillip. Batid niya ang damdamin ko sa lalaki at labis niyang ikinatutuwa na ang atensyon nito ay natuon sa anak niyang si Sabrina.
“Bakit hindi ka sumasagot? Hmn? Ano na nga pala ang itatawag mo sa akin ngayon?” muling tanong ni Helena na halata ang pagkaaliw sa nakikitang reaksyon ko.
“I’m gonna be your mother soon!” she gushed. Itinaas pa niya ang kamay at ipinakita sa akin ang singsing na suot. I'm sure this is her first time owning such expensive jewelry.
“You will never be my mother. I don’t trust you,” malamig na sagot ko.
Hindi naman siya apektado sa naging sagot ko. Ngumisi lang siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I admit that Helena is beautiful, especially now that she's dressed in expensive clothing and jewelry. But still, I thought she looked so cheap. Hindi ko pa rin maiwasang pagdudahan ang intensyon niya. Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha niya ay hindi ko na siya magawang pagtiwalaan. At iyon siguro ang dahilan kung bakit sa bawat araw ay lumalalim ang hidwaan sa pagitan namin.
“Tama ka. Hindi mo ako magiging ina kahit kailan. Hindi mo din naman ama si Callyx,” aniya.
Agad ang pagsilakbo ng dugo ko. Wala pang sino man ang nagtangtakang banggitin sa harap ko ang pagiging ampon ko. Siya pa lang. Para bang sinasabi niyang puwede niya akong alisan ng karapatan ora mismo dahil hindi naman ako tunay na anak ni Daddy.
That will never happen! Hindi ako magpapatalo sa Helena na ito!
“Be careful, Helena. Ang mga taong masyadong mataas ang lipad, masakit ang pagbagsak. I will never stop. Malalaman at malalaman ko din kung anong klase kang babae. When that time comes, I swear Dad will never want you.”
“Aww! Sorry, pero nag-propose na siya sa akin, eh! Malapit na kaming ikasal,” kunway nakikisimpatya ang boses niya ngunit ang mga mata ay puno ng pang-aasar.
Naikuyom ko ang kamao. I took a deep breathe to control my anger. Mabilis kong ibinalik ang press powder sa sling bag na dala at humakbang na paalis ng kwarto. Kailangan kong umalis bago pa man kung ano ang magawa ko sa babaeng ito.
“Alam kong miserable ka, Regina.”
Natigil ako sa paghakbang nang muli siyang magsalita. Nilingon ko siya na noon ay nakahalukipkip habang nakamasid sa akin. Hindi niya itinago ang mapang-asar niyang mga tingin dahil wala namang ibang tao sa paligid.
“Natatakot ka, hindi ba? Ikaw nga ang anak, pero nasa akin na ang atensyon ni Callyx. Alam ko din na selos na selos ka kay Sabrina ngayon. Halata namang hindi ka gusto ni Phillip. Tsk! Ako ang naaawa sa ‘yo. Paano ba ‘yan? Gusto namin ni Callyx na magka-anak pa. Bibigyan ko siya ng tunay na tagapagmana. Kapag nangyari ‘yon, ano pang silbi mo? Eh, ampon ka lang naman!”
Bago ko pa mapigil ang sarili ay isang malakas na sampal ang ipinadapo ko sa pisngi niya. Agad na namula iyon pero nakapagtatakang hindi niya iyon ininda. Sinalat niya ang pisngi pagkuwan ay ngumisi. Noon bumukas ang pinto at iniluwa noon si Daddy. Sa pagkagulat ko ay noon si Helena umiyak.
“C-Callyx—“ aniya sa mahinang boses habang hawak ang pisngi.
“Helena? Why? What happened?” tanong ni Daddy. Agad natuon ang mga mata niya sa akin pagkatapos ay sa pisngi ni Helena na noon ay namumula.
“What did you do, Regina?” pigil ang galit na tanong niya.
“Dad! Siya ang nagsimula! She said many insulting things to me! I'm telling you, don't put your trust in women like her! Bakit ba hindi mo ako magawang paniwalaan? She’s a pretentious b*itch!”
“Enough!” dumagundong ang boses ni Daddy sa kabuuan ng kwarto dahilan para matigil ako sa pagsasalita. Ngayon ko lang siya nakitang sumigaw ng ganito.
“What is wrong with you, Regina? I did everything I could to show you how much I love you. Why can’t you do the same for me? Kahit ngayon lang, anak. Can’t you be happy for me?” Nahihimigan ko ang pagdaramdam sa boses niya.
“But Dad—“
“Why do you have to be so selfish?” dagdag niya bago ko pa man maipagtanggol ang sarili.
“C-Callyx!” kunway pag-awat ni Helena kay Daddy. Inabot pa niya ito sa braso pero itinaas ni Daddy ang kamay para pigilan ito sa kunway nais sabihin.
Hearing my father say these things shatters my heart. Kailanman ay hindi ako nakatikim ng mga masasakit na salita buhat sa kaniya. Ngayon lang. Simula dumating sina Helena at Sabrina sa buhay namin. Tinitigan ko siya at nabasa ko ang galit sa kaniyang mga mata. Siguro nga ay hindi malabong magkatotoo ang sinabi ni Helena. Marahil dumating ang araw na hindi na niya ako ituring na anak. Naramdaman ko ang mga luha na nagbabadyang kumawala sa aking mga mata ngunit pilit kong pinigil iyon. Hindi ako iiyak sa harap ni Helena! Never!
“Ako pa ang selfish ngayon, Dad? Sa tingin mo ba madali sa akin ang magdala ka na lang basta sa bahay natin ng mga taong hindi ko naman kilala? Pagkatapos ay gusto mong ituring ko silang pamilya?”
“See? Masyado ka lang nakatuon sa nararamdaman mo! What about Helena and Sabrina? Sa tingin mo ba ay hindi sila nasasaktan sa mga ipinapakita mo sa kanila? I always thought you'd be a good daughter because—“
“Oo na! Siguro pinagsisisihan mo na ngayon na inampon mo ako? Dahil lang sa dumating sila sa buhay mo, puro na lang mali ko ang nakikita mo! Nakalimutan mo na ba Dad, ha? Nakalimutan mo na ba kung paano kita minahal?” puno ng hinanakit na tanong ko.
Sobrang sakit para sa akin na ipinagtatanggol niya si Helena na ilang buwan pa lang niyang nakilala. Batid niyang hindi ko gusto ang babae, pero agad siyang nagdesisyon na pakasalan ito. Agad akong tumalikod at tinakbo ang pinto bago pa man nila makita ang pagpatak ng mga luha ko.
Mabilis ang aking mga hakbang palabas ng hall habang nakatungo. I don't want anyone to witness my tears. Bigla ay nabangga ko ang isang katawan at nawalan ako ng balanse. Mabilis naman akong nasalo nang kung sino man ang nabangga ko at nang tunghayan ko siya ay namukhaan ko si Phillip. I was instantly hypnotized by his magnificent features. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. His intense eyes scanned my face, something he had never done before.
“R-Regina.”
Ang mahinang boses ni Sabrina ang tumawag sa atensyon namin. Agad akong binitiwan ni Phillip ngunit ang mga mata ay nakatuon sa akin. Pinunas ko ang mga luha at tinalikuran sila. Ayaw kong makausap si Sabrina ngayon.
“Regina!” tawag sa akin ni Daddy ngunit hindi ko na siya pinansin. Sa halip ay naglakad na ako papalayo sa kanila. Ayaw ko man, pero unti-unti na akong nilalamon ng galit. I adore my Dad, but I'm sick of our situation.
Humanda ka, Helena! Hindi ako papayag na maikasal ka kay Daddy!