PARA akong itinulos sa kinatatayuan paglabas ko ng bahay ni Joshua. My entire body trembled as I watched Joshua stand dangerously in front of me. His eyes are sharp and have dark circles under them. Para bang puyat siya. “Andie why are you here?” nagtatakang tanong niya. Sinulyapan niya ang pinanggalingan ko at lalong kumunot ang noo niya. “Did you break into my house?” “H-Hindi. Diyan…diyan lang ako sa balcony,” kaila ko. Hindi ko alam kung mapapaniwala ko ba siya sa kasinungalingan ko. Halata ang panginginig ng boses ko. Mataman niya akong pinagmasdan. Mapanuri ang kaniyang mga mata at tila sinusukat kung nagsasabi ako ng katotohanan. “Bakit ka nagpunta dito?” tanong niya matapos magpakawala ng malalim na buntong-hininga. Para bang pagod na pagod siya. “Ahh…k-kasi…may itatanong sana

