“Luna, bago matapos ang araw na ito ay maipaghihiganti ko na ang mga magulang ko, pati na rin ang mga magulang mo at ang lahat ng kasamahan natin sa Paraiso.” Nanlamig ang mga kamay ni Luna at nabitawan pa niya ang cellphone na binigay ni Pablo sa kanya nang mabasa niya ang mensahe nitong iyon sa kanya. Ano ba ang ibig sabihin nito?? Papatayin na nito sina Jayvee at Jaycee? Nakalimutan na ba nito ang usapan nila na hindi muna ito gagawa ng kahit anong hakbang laban sa mga Argos?! Bakit biglang nagbago ang isip ni Pablo? Bakit bigla na lang ay maghihiganti na ito? Sinubukan niyang tawagan si Pablo pero hindi ito sumasagot. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi itext ito. “Pablo, ano ba’ng sinasabi mo? Di ba nagkausap na tayo? Hindi sina Jayvee at Jaycee ang may kasalanan sa atin!” “Pa

