“Luna!” malakas na tawag ni Pablo sa pangalan niya nang makita niya ang rekognasyon sa mga mata nito. Mabilis din itong tumakbo palapit sa kanya hanggang sa magpang-abot sila at nagyakap sila ng mahigpit. Kakaibang saya ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. May sarili na siyang pamilya. But knowing that Pablo is alive, seeing him and hugging him at that moment make her feel strangely at home! Hindi pala siya nag-iisa! For 16 years, she lived in their community with contentment. Habang nagdadalaga siya noon ay unti-unti niya ring naiintindihan na may iba sa kanila. Pero dahil masaya sila at nagkakaunawaan ay nawalan na ng puwang sa isip niya na kuwestiyunin ang napapansin niyang abnormalidad sa lugar nila. Hanggang sa nasanay na lang siya. At tinanggap niya ang uniqueness nila. Pe

