Pagdating ni Ara sa boarding house, hinang hina siyang pumasok sa loob nagpalit muna siya ng suot bago nahiga.
Nay, kmusta po kayo?kumain na po kayo?-ara
Maayos naman kami dito anak.namili pala ako ng stocks namin dito. Marami rin ang nabili pang dalawang linggo na siguro ito. Kakarating ko pa lang galing palengke anak kaya kakain palang ako ngayon pero yong mga kapatid mo tapos na sila. Kamusta ka naman jan anak kumain ka na ba?-nanay
Opo nay tapos na rin. I-idlip lang po ako sandali tapos mag lalaba ako ng mga uniform ko sa trabaho. O sige po nay tawag na lang po ako ulit para makakain na rin kayo.-ara
O sige anak mag ingat ka lagi jan.-nanay
Opo nay kayo rin po jan. Naiiyak na sagot ni ara
Kailangan kong magpatuloy dito.kausap ni ara sa sarili.
Nakatulugan na lang ni ara ang pag iyak niya.
Naalimpungatan si ara na parang may dumadampi na bagay sa pisngi at labi nya.
Umhhhppppp daing ni ara na parang di makahinga kaya nagising siyang bigla.
Anong ginagawa mo dito gulat na gulat na tanong ni ara sabay atras malayo kay ken ng mabungaran nya itong nasa tagaliran mismo ng hinihigaan nya.
Kanina pa ko dito sweetheart, pag labas mo kanina ng condo natin sinundan na kita agad. Pinayagan rin ako ni nanay martha kaya nandito ako sa loob ngaun.-ken
Hayop ka talaga! Ano pa bang gusto mo? Sumisigaw na tanong ara
Wag kang sumigaw sweetheart kung ayaw mong maiskandalo marami ka pa naman na kapit kwarto dito.ikaw rin. Turan ni ken
Ano pa bang gusto mo sakin nakuha mo na pinaka iingatan kong bagay, ano pa bang kailangan mo sa akin para malaman ko at tigilan mo na ang pang gugulo sakin. Mahinang boses ni ara dahil ayaw nya rin maging sentro ng usapan sa boarding house nila.
Nag aalala lang ako sayo kaya sinundan kita. Paliwanag ni ken
Nakita mo na ko na naka uwi bakit pumasok ka pa dito sa loob?gigil na sagot ni ara kay ken sa mahinang boses
Binilhan kita ng pagkain kanina habang natutulog ka, gabi na kasi di ka pa kumakain malamig na rin yong pagkain na nabili ko. Antagal mo kasi gumising. Naka ngiting reklamo ni ken
Bakit sinabi ko bang bilhan mo ko? Hindi diba?! Inis na saad ni ara
Umalis ka na please lang, kahit ito na lang ibigay mo sakin. Matigas na saad ni ara
Sige mag pahinga kana ulit, aalis na rin ako. May business meeting ako. out of the country for two weeks kaya hindi mo ko makikita.flight ko bukas ng umaga...
Wala akong paki alam. Putol ni ara sa kung ano pa man na sinasabi ni ken
Kahit wag ka munang pumasok sa office kung hindi pa ayos ang pakiramdam mo. Dagdag pa ni ken
Wag mo kong diktahan. Papasok ako dahil kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko. Saad ni ara
Okay, wag ka nang magalit ikaw lang naman ang ina-alala ko. - ken
Wala akong paki alam sa mga sinasabi mo kaya umalis kana. Tandaan mo malaki ang kasalanan na ginawa mo sakin. Galit na saad ni ara
Kaya lulugo lugong umalis na lang si ken para umuwi sa condo nya.
Okay na ba lahat ng dadalhin kong papeles para bukas? Tanong ni ken sa secretary nya habang kausap ito sa cellphone.
Yes sir ready na po pati ticket nyo ihahatid ko na lang po jan ngaun.
Okay love. Thank you saad ni ken
Your welcome sir. Sagot ng secretary nya
Ryan may ipagagawa ako sayo. Utos ni ken sa driver nya
Kilala mo siya hindi ba? - ken
Yes sir. Sagot ng driver
Bantayan mo siya habang wala ako wag kang magpapa halata.lahat ng ginagawa nya ipaalam mo sakin. Ayokong may lumalapit sakanya lalong lalo na kung lalaki. Naiintindihan mo?- ken
Yes sir ako na po ang bahala. Saad ng driver
Good. Nangingiting saad ni ken