Maagang bumangon si Ara. Nagtataka si ara dahil hindi nya pa nakikita ang room mate nya. Ngunit pinag sawalang bahala nya na lang muna ito.
Good morning ma'am! Bati ng lobby guard ng building kay ara.
Good morning rin po. naka ngiting bati rin ni ara sa gwardiya.
Samantala my lalaking nag aantay sa pagdating ni ara ng umagang iyon kaya naman nag init bigla ang ulo nito ng makita ang eksena ng umagang yon kaya naman umandar na naman kalukuhan nito.- Narrator
Ngunit ng pasakay na si ara ng elevator biglang may bumangga sakanya.
Aray! Daing ni ara
Ayy, sorry miss nagmamadali lang kasi ako. Pasensiya na. Saad ng lalaki na kapansin pansin ang suot na malaking salamin sa mata.
Ok lang. Mag iingat ka na lang ulit. Sagot ni ara
Kunwari naman na yumuko ang lalaki para hindi mapansin ang malaking ngiti na naka plaster sa mukha nito.
Bago ka lang dito? Ako nga pala si ken Anderson. Pakilala ng lalaki
Oo, bago lang ako ngayon pa lang ako mag start. Ako naman si Ara
Saang department ka?tanong ken kunwari
Sa marketing department. Ikaw? Balik tanong ni ara.
Assistant secretary ako ng Ceo, mag start pa lang rin ako ngayon. Sagot ni ken
Napa ngiti si ara.
Parehas pala tayong mag start ngayon. Saad ni ara.
Oo nga. sagot ni ken na mas lalong lumawak ang ngiti nito dahil nakita na naman nya ang ngiti ng babaeng bumuhay sa nahihimbing nyang puso.
Natatawa na lang si ken sa kalokohan na pinag gagagawa nya ngayong araw.
Ms.Bernabe kung may mga tanong ka pa about sa itinuro ko sayo magsabi kalang. Saad ni Mrs Cruz.
Yes maam.sagot ni ara
Lunch time na. Rinig ni ara na saad ng ka-trabaho.
Ara lunch tayo alok ni greg na ka-trabaho ni ara.
Ahh, cge. Naiilang na sagot ni ara. Hindi rin nya kasi alam ang canteen area kaya sumabay na rin siya rito.
Sa kabilang dako
Shit! Inis na saad ni ken. Titig na titig siya sa kamerang nakatutok sa area ng marketing department at kitang kita nya kung paano purmahan ng greg na yon si ara.
Ang hirap mo namang bakuran. Reklamo ni ken. Bakit kasi ang ganda mo marami tuloy akong kaagaw sayo. Dagdag reklamo pa nito.
Kaya dali dali siyang bumaba sa 16F.
Buti nalang sakto naman pag bukas ng elevator ang pag pasok naman ni ara at greg.
Ara. Tawag ni ken
Oyy ken, ikaw pala. Kakain ka rin ba? Tanong ni ara
Oo. Sabay kana sakin. Saad ni ken
Napatango naman si ara kaya mas lalong lumawak ang ngiti ni ken.
Buti saktong naabutan kita. Saad ni ken kaya napalingon si ara.
Ha? Tanong ni ara
Buti kako saktong nagkita tayo ulit. Atleast my kasabay ako. saad ni ken
Habang kausap si ara ibinaling ni ken ang tingin kay greg kaya naman nagulat ang lalaki ng mamukhaan si ken kaya hindi ito umiimik habang nasa loob ng elevator. Pag baba nila ng elevator nauna ng umalis palabas si greg sakanila.
Libre pagkain dito ng mga bagong empleyado ara, halika pili tayo dito. Aya ni ken kay ara
Ah, sige ken. Ang galing naman libre pala. Hindi ba nakaka hiya? Tanong ni ara
Ok lang yon. Deserve natin yon. Sagot ni ken
Napatango nalang si ara.
Ara ok lang ba na sabay nalang tayo lagi kumain dito tuwing lunch?tanong ni ken. Kasi ikaw lang kakilala ko dito eh.nangingiting dagdag pa ni ken.
Ok lang.sagot ni ara.
Sige bukas ulit ah. Bilin ni ken ng palabas na si ara sa elevator.
Sige. Sagot ni ara na naka ngiti at pumasok na rin sa loob ng working area nya.
Good afternoon sir! Bati ng secretary ni ken.
Love, wag mo na akong bilhan ng lunch starting tomorrow. Bilin ni ken sa secretary.
Yes sir! Sagot nito.
Ang saya ng pakiramdam ni ken ng mga sandaling iyon kaya naman ganado ulit itong magtrabaho hanggang napansin nyang uwian na pala. Kaya muli nyang tiningnan ang camera na connected sa marketing department at nakita nyang gumagayak na si ara kaya dali dali siyang ng ayos ng gamit at nag bilin sa secretary nya.
Pagbukas ng elevator saktong nagaabang naman si ara kaya tinawag na ito ni ken. Kaya napasakay na rin si ara.
San ka pala umuuwi?tanong ni ken
Sa Cubao lang ako malapit sa farmers my dorm ako na inuuphan doon. Sagot ni ara
Talaga, tuwang tuwa na saad ni ken.
Taga cubao lang rin ako malapit lang sa tuazon. Sabay kana sakin ah. Dagdag ni ken
Ah, sige. Payag ni ara.minus gastos rin yon.sa isip isip ni ara.