Chapter 17 My Arrogant Husband

1161 Words
Nagising si ara ng bandang ala sais ng umaga at napatakbo na naman ito sa cr para sumuka. Hinang hina na naman siya sa walang tigil na pagsusuka ng umagang yon. Nagising naman si ken ng narinig ang pagsusuka ni ara kaya napa takbo ito sa cr para damayan ang asawa. Okay ka na sweetheart? Mamaya after breakfast magpa check up muna tayo sa OB gyne. Okay lang ako normal lang naman to. Basta mamaya pupunta tayo para maresitahan ka ng vitamin's. Nangangayayat ka na rin sweetheart eh. Pagkatapos ng check up umuwi na lang muna sa condo ang mag asawa pero naiwan si ara para makapag pahinga na muna at si ken naman ay pumasok na rin dahil marami siyang papeles na nakatingga at kailangan ng reviewhin marami na rin siyang meetings na kailangang daluhan. Sa mga nagdaan araw, linggo at pati na rin mga buwan mas naging matibay ang pag sasama ng dalawa at simula ng mag buntis si ara hindi na rin ito nakaka uwi sa Nueva ecija sa pamilya nya pero di naman siya pumapalya ng padala sa mga ito. Malaki na ang tyan mo friend kelan ka ba manganganak? -Tin Pag nanganak ka friend syempre dapat ninang ako ah. -KZ Ako rin friend ninang ako paglabas ni baby. Syempre kukunin ko talaga kayo dahil sigurado akong malaki ipapakimkim nyo sa anak ko dahil mayaman kayo. Natatawa kong biro sa dalawa. Ayyy, may ganun. ang plano ko pa naman sana magiging love adviser ako ni baby  pag malaki na siya. Saad ni tin Pano kaya magiging love adviser ni baby hanggang ngayon nga wala ka pa rin jowa. Ani ni kz Ay pasmadong bibig naman yan. Kaibigan ba talaga kita embeyerna. Saad ni tin Natatawa na naman ako sa dalawang ito dahil away bati naman lagi ito. Sumapit na rin ang buwan na malapit ng manganak si ara may mga time na parang lumalamig na rin ang pakiki tungo sakanya ni ken hindi lang ito pinapansin ni ara. Dahil baka sa sobrang dami lang talaga ng trabaho kaya hinahayaan na muna ito ni ara. Ken, ken, ken aray sumasakit ang tiyan  ko. Gising ko kay ken pero tulog pa rin ito  kaya nahampas ko ito sa hita ng malakas kaya nagising ito. Pupungas pungas itong bumangon. Manganganak na kong manyak ka ang sarap parin ng tulog mo.gigil kong saad kay ken. Mas lalo akong naiinis ng hindi parin ito gumalaw. Ano ba! masakit na ang tiyan ko. dalhin mo na ko sa ospital tili kong utos kay ken kaya dali dali itong kumuha ng gamit para sa bata. Saka ako binuhat palabas ng condo hanggang sa parking para isakay ako sa sasakyan at dalhin sa Maximedix or MMC. Pagdating sa hospital may nag assist naman agad sakanila at maya maya lang ay nanganak na rin si ara. Nai-transfer na rin si ara sa private room ngunit nakatulog ito pagkatapos manganak. It's a boy Mr. Cole saad ng doctor Pwede ko na bang hawakan doc. Tanong ni ken Yes po. Maiwanan na po namin kayo babalik nalang ang nurse para  i-remind ang tamang oras ng pag breast feed kay baby. Saad ng doctor How about my wife doc? Your wife is ok. After a minute magigising na siya. Epekto lang ng gamot at pagod na rin kaya siya nakatulog. Thank you so much doc. Wika ni ken Habang karga ang anak tuwang tuwa si ken na nakatingin dito. Umaapaw sa kaligayahan ang pakiramdam nya. Ngunit pag napapa sulyap sa asawa lungkot naman ang nadarama ni ken. Dahil sa napaka laking bomba na problema ang sumabog sakanya na dulot ng ama nya. Tulog pa rin si ara ng dumating ang ama ni ken sa ospital. Son, gusto kong makita ang apo ko. Malamig na tingnan ni ken ang ama. At itinuro lang ang natutulog na anak. Kumusta si ara? Bakit tulog pa rin siya? Nag aalalang tanong ng matanda. Maayos na ang lagay nya. Gigising na rin siya maya maya lang. Ang apo ko, napaka ganda mo apo ko. Umiiyak na wika ng matanda na titig na titig sa sanggol. Umiiyak naman si ken pero hindi ito ipinapakita sa ama. Anong plano mo sakanya. Naka kunot noong napalingon si ken sa ama. Kay ara anong plano mo. Sasabihin mo ba sakanya. Tanong ng matanda Huwag mo kong pangunahan pamilya ko to. Ako ang nakaka alam ng ikabubuti ng pamilya ko. Pero ken alam mong.... Hindi ka pa sigurado bakit hindi ka muna mag imbestiga. Galit na saad ni ken Ayaw mo lang tanggapin, pero kailangan nya pa rin malaman kahit may anak na kayo. Ken magka.... Stop dad please habang nirirespeto ko pa kayo na ama ko. Hindi ka pa sigurado nag kuconclude kana. Hahayaan muna kita pero pag nasiguro na totoo kukunin ko ang kapa... Uhhm ungol ni ara kaya napunta rito ang  atensiyon ni ken. Dad, please lang ka-papanganak pa lang ng asawa ko. Natigil ang pag uusap ng mag ama ng tuluyan ng nagising si ara. Ang anak ko nasan ang anak ko tanong kay ken sa namamalat na boses. Huwag ka munang gumalaw sweetheart baka mabinat ka. Lalaki ang baby natin love. Sabay kuha ni ken sa baby at dinala ito sa tabi ni ara Naluluhang napatingin si ara sa mukha ng anak. Napaka ganda mo baby. Mahal na mahal kita anak. Pinunasan ni ken ang luha ko. Wag kang umiyak baka mabinat ka. Tango lang ang sagot ko kay ken habang umiiyak na naka ngiti. Napansin na nandito pala si dad. Kamusta pakiramdam mo iha nag aalalang tanong nito. Ayos lang po dad. Nahihiya kong sagot Ken saka na tayo mag usap mauuna na ako. Wika ng matanda Aalis na ako mga anak. Muling saad ng matanda Dad. Nagbabanta na saad ni ken sa nakakuyom na mga kamay. Maayos na ba ang pakiramdam mo. Tanong saakin ni ken kaya napatingin ako sa mga mata nya pero umiwas ito. Makirot pa rin ang ibaba ko pero kayo ko naman. Gusto mo bang kumain, nagugutom ka na ba sunod sunod na tanong ni ken pero hindi ito nakatingin saakin. Hindi ako sumagot sa tanong nya dahil napa iyak nalang ako para kasing nag iba na siya at hindi ako sanay sa malamig nyang trato saakin. Napalingon naman si ken kay ara dahil walang sagot na nakuha mula dito. Ngunit paglingon nakita nya ang mukha ng asawa na umiiyak habang kalong ang anak nila. Hindi na kinaya ni ken ang nakita kaya nilapitan  nya ang asawa sabay yakap dito. I'm sorry sweetheart dahil napa iyak kita. Tahan na sweetheart. Mahal na mahal kita. Madamdaming saad ni ken. Bakit kasi ang lamig lamig ng trato mo sa akin. Umiiyak kong sumbat kay ken. Aalis na lang kami ni baby kung ayaw mk na sakin. Uuwi na lang ako saamin, ayoko na dito. Hindi ko na mapigilan ang iyak ko. I'm sorry sweetheart, im sorry and i love you so much. huwag na huwag mong gagawin na iwan ako. Hindi ko kakayanin yon.babawi ako promise sabay halik sa namumutlang labi ng asawa. U-ngaaaa u-ngaaaaa u-ngaaaaahhh. Malakas na iyak ng sanggol. Umiiyak na rin siya. Ikaw kasi eh.sumbat ko kay ken habang pinapatahan ko ang baby namin at tumigil na rin ito. Napaka iyakin mo sweetheart nagmana sayo si keith Timothy B. Cole. Natatawang saad ni ken at muling niyakap at hinalikan ang mag ina nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD