Chapter 5: Work For Me

1728 Words
Zennon's POV Baby pa lang ako, kasa-kasama na nila mommy si yaya Helen sa mansion. Sabi ng iba, tinangkang ipakasal si yaya Helen noon ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi niya naman gusto kaya tumakas siya sa kanila para lang hindi makulong sa relasyon na kinaayawan niya. Ang natatandaan ko first year high school ako noong mapadpad sa bahay namin ni Amelia. She's very pretty. Itiman ang buhok pero kulay hazel blue ang mga mata niya na palagi niyang sinusuotan ng contact lens. Hindi kami naging magkaibigan dahil noong dumating siya, kaibigan ko na si Karen. Nagseselos si Karen sa tuwing may kinakausap ako na iba. At ako namang si tanga, dinaig pa ang jowa na palaging ibinibigay at sumusunod sa mga gusto niya. Kaya kahit nakatira kami sa iisang bahay, never kaming nagkaroon ng interaksyong dalawa ni Amelia. Basta ang alam ko lang noong grumaduate siya ng BSSA at magtamo ng pinakamataas na karangalan, inubos niya ang panahon sa pagtulong kay mommy at daddy. Mas nakaka-proud pa siya kesa sa akin na puro katangahan ang pinaggagagawa sa buhay. Nagkaroon siya ng malaking impact sa akin noong awayin niya si Gabby. Nagbanta siya na ipapakulong ang dalawa kapag hindi tinigilan ang ginagawa sa akin. Sabi niya, abduction na daw ang ginagawa sa akin nung dalawa. Wala naman akong ginawang mabuti sa kanya. Pero dahil sa labis na pasasalamat niya kay mommy at daddy, nanatili ang katapatan niya kahit wala na ang dalawang taong nagpa-aral at tumulong sa kanya. Umikot ako sa likuran ng mansyon kung saan may maliit na bahay na nakatayo. Ang cute noon at napapaligiran ng naggagandahang mga halaman. Noong kumatok ako sa pintuan ay walang sumasagot mula sa loob. Hindi kaya inaasikaso nilang dalawa ni yaya Helen si Medusa? Tsk. Mukhang wrong timing ako. Inilibot ko sa paligid ang paningin ko. Dahil nga ayaw ko na magtatampo si Karen noon dahil kay Amelia, ilang taon na akong hindi nagagawi sa bahay na ipinatayo ni mommy at daddy para kay yaya Helen. Actually, lahat sila na mga kasama namin sa bahay ay may kanya-kanyang tirahan na nakatayo sa likuran ng mansyon. Pinagmasdan ko ang naggagandahang mga halaman bago ako tumalikod sa pintuan at humakbang paalis sa lugar na iyon. "Nanay... Ah Miss Zen? Bakit po?" Nagmamadaling lumabas sa kanyang munting bahay ang magandang babae. Sabi ni yaya Helen taga USA daw ang napangasawa ng kanyang kapatid na babae. Walang sinabi ang mag-asawa tungkol sa pamilya ng tatay ni Amelia, at ayaw rin namang malaman ni Amelia ang tungkol doon. Mas ginusto niyang sumama kay yaya Helen dito sa bahay namin. Kaya kung titingnan si Amelia, hindi maipagkakaila na may lahing banyaga ang dugong nananalaytay sa kanya. Maputi at matangkad siya at ang tanging namana niya lang siguro sa kanyang ina ay ang itiman niyang buhok na bumagay naman sa kaputian niya. "M-may kailangan ka po?" Magalang niyang tanong. Pinagsalikop ang kanyang mga palad at ngumiti siya ng bahagya. Kahit na itago niya pa, halata ko ang nerbiyos niya habang nakatitig sa akin. "I need help," walang paligoy-ligoy na sagot ko. "H-help...?" Para siyang natuklaw ng ahas hibang inuulit ang salitang iyon. "Umn. Where's yaya? Can we talk inside?" "Ahm, umalis na si Nanay Helen, ihinatid nilang dalawa ni Tatay Joseph si Mildred papunta sa sakayan ng eroplano pauwi sa kanilang probinsya. Pinakiusapan kase siya nila tita Eren na huwag ng komontak sa...sa k-kaibigan mo at ang kapalit noon ay i-isang daang libong piso at libreng pamasahe pauwi sa probinsya niya," nauutal at kinakabahang anas pa ni Amelia. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. "Pwede bang sa loob tayo mag-usap?" "Ha? S-sa loob? P-pero..." "Hindi kita sasaktan. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan," putol ko sa sinasabi niya. Ako ang nai-stress sa nakikita kong takot sa mukha niya eh. Lumunok siya ng ilang beses saka luminga-linga sa paligid. Pagkatapos ay umikot pabalik sa may pintuan at binuksan iyon. Nang makapasok kami sa loob ay kaagad nya akong iginiya sa munting sala ng bahay nila. May nakalapag na crochet hook and yarn sa lamesita. Dinampot ko iyon at masusing pinagmasdan. "A swimsuit?" Curios na tanong ko. Parang wala naman sa character niya na magsuot ng ganito ka daring na pangligo. "Ahm, hindi sa akin 'yan. Nagpapa-order ako ng mga swimsuit, bonnet at cellphone bag online," mabilis na paliwanag niya. Nababasa niya siguro kung ano ang nasa isip ko base sa reaksyon ng mukha ko. Muli kong inilapag sa lamesa ang swimsuit saka naupo ng tuwid. Naupo naman sa tapat ko si Amelia at naghintay ng sasabihin ko. Huminga ako ng malalim at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Kaagad ko siyang tinanong. "Anong masasabi mo kay Karen?" Natulala na lang ang magandang babae na nasa harapan ko. She is caught off guard by my sudden question. Pero sa halip na mautal at magmukhang kinakabahan. Ngayon ay seryosong tumingin sa akin si Amelia. "She's not a good person," Pinagtaasan ko ng kilay si Amelia. Hindi dahil ayaw kong paniwalaan ang sinasabi niya kundi dahil gusto kong malaman kung paano niya iki-criticize si Karen. "I don't like her. Ginagawa ka niyang preso. Kahit nga po ang mga magulang mo ay hindi ka naman pinaghihigpitan nang kagaya ng ginagawa niya. At isa pa, may relasyon silang dalawa ng boyfriend mo," bigla siyang tumapang at nawala ang pagbubulol ng kanyang pananalita. "Ows? May ibidensya ka ba?" "Marami! Palagi silang nagpupunta sa bar ng kaibigan ko kaya alam ko po," Tinitigan ko ng matiim si Amelia. Mukha naman siyang hindi nagpupunta sa mga bar, pero kung lumabas sa bibig niya ang salitang bar, parang normal na normal lang. "So you have a friend who's working on a bar..." "He owns the bar," she immediately corrected me. Amazing. Hindi lang basta palapunta sa bar ang kaibigan niya. May-ari pa ng bar. "Nagpunta na rin ako doon, at...at..." "At?" Nakita niya si Karen at Gabby na naroon? Well, hindi na nakakapagtaka ang tungkol sa bagay na 'yun. "At nakita ko si Gabby Silva na iba-iba ang mga babaeng dinadala doon," aniya na nakatitig sa akin habang nakatikom ang mga kamao niya. Hmmm. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan. "Interesting. Akala ko pa naman ay loyal siya kay Karen. Hindi lang pala ako ang nagawa niyang lokohin, pati pala ang pinakamamahal niyang si Karen ay naloko na niya," nakangising saad ko. Natigilan naman si Amelia dahil sa sinabi ko. Napatitig siya sa akin at ikinurap niya ng maraming beses ang kanyang mga mata. "May problema ba sa mga mata mo?" nababahalang tanong ko. "Ah...eh...hindi ka galit? Hindi ka galit na sinisiraan ko ang bestfriend mo?" "Hmm? Hindi mo naman siya sinisiraan. Ugali niya talaga 'yun," sagot ko sabay kibit ng balikat. Kinailangan ko pang mamatay at maranasan lahat ng naranasan ko noon para lang makita ko ang laki ng katangahan ko. Hindi nakakibo si Amelia sa sinabi ko. Hindi rin ako kumibo. Ayaw ko ng dagdagan ang gulat na nararamdaman niya. "May sapi ka b-ba?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi lang iisang beses ko narinig ang salitang iyon ngayong araw. Mukha ba talaga akong may sapi? "Siguro. Ang tagal ko ngang may sapi. Isipin mo, simula noong first year high school wala akong ibang sinunod kundi ang babaeng 'yun? Kung hindi ako tatanga-tanga na madaling manipulahin, o nakulam...malamang sinapian nga ako," Hindi na naman nakakibo si Amelia. "Bar tayo?" Parang tinamaan ng kidlat si Amelia dahil sa narinig. "B-bar?" Yes. Bar. Gusto kong makita ang pagmumukha ng lalaking sumira sa buhay at pagkatao ko noon. Hindi pa ako handa, pero kung hindi ko haharapin ang mga multo ng nakaraan ko. Kailan ko pa iyon gagawin? "N-ngayong gabi?" "Yes. Dito muna ako matutulog. May bakanteng kwarto ba?" "Ha?! Ah..." "Kanina ka pa ha ng ha at ah ng ah diyan. Nakakagulat ba talaga ang mga pinagsasasabi ko?" Pagbibiro kong tanong. Ngumiti ako. Kaya lang mas lalo yata siyang natakot. Tsk. Ang hirap ng nasanay kang hindi nakikisalamuha sa ibang tao. Ang creepy na ng tingin nila sa akin once na ngumingiti ako. "Hindi ako mapakali sa kwarto ko. Feeling ko may katabi akong mga traydor. Kaya patulugin mo muna ako dito," Kaagad na nagtungo sa isang pintuan si Amelia. "Dito ka na muna sa kwarto ko matulog. Pwede naman ako makitulog sa kwarto ni Nanay Helen," Wala ng hiya-hiya. Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Ang dami kong dapat i-sort out. Ang dami kong dapat alamin. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. "Amelia," "B-bakit Miss?" Napakunot-noo ako dahil sa tawag niya. Pero mas okay na rin siguro iyon. "Do you know something about Zae Zobel de Ayala?" Siguro naman may alam siya kahit na kaunting impormasyon tungkol sa lalaking mapapanasawa ko. Wala kase talaga akong kaalam-alam at hindi ko rin alam saan magsisimulang magtanong patungkol sa kanya. "Ang pinakabatang bilyonaryo na CEO?" tanong ni Amelia na napahinto sa paglabas ng kwarto. "You know about him?" Curious na tanong ko saka lumingon kay Amelia. Pero hindi siya makatingin sa akin. Para bang may itinatagong hindi niya gusto na malaman ko. "I want to know everything about him," sabi ko sa pautos na tono. "Ah...ahm, s-sure! Sure. Wait," natataranta at nagmamadaling lumapit sa isang drawer si Amelia at may hinila siya na folder palabas mula doon. Nagtatakang napatitig na lang ako sa folder na iniaabot niya sa akin. "K-kung ano man po ang matu-tuklasan m-mo diyan Miss Zen, huwag mo na lang po sanang sabihin kahit na kanino," nakikiusap na sabi niya. Hindi ako nag-abalang sagutin si Amelia. Kinuha ko ang folder sa kanya at buong pagtataka na tiningnan ang unang page. Hindi naman si Zae de Ayala ang nakalagay doon. Kundi isang lalaki na nagngangalang Draken Salvador? Hindi ba at siya ang... "Company lawyer ng Z&Z Corporation?" Maang na tanong ko saka lumingon kay Amelia. Pero namumula ang mukha na nag-iwas siya ng paningin. "You like him?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "M-miss Zen, h-huwag mo akong i-judge! Actually...hindi ko kayang ipaliwanag pero... Pero basta gusto ko siya." Parang teenager na bulalas ni Amelia. Napakagat-labi ako at binalikan ang nakaraan. Siguro kung hindi siya napatay ng mga taong halang ang kaluluwa, baka nagkaroon siya ng pagkakataon na umibig at ibigin din. "Gusto mo siya?" Nulas sa labing tanong ko. Hindi naman siya tumanggi. Kaagad siyang tumango ng marahan. "Then work for me," Gimbal na nag-angat ng paningin at napatitig sa akin si Amelia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD